33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

Reporter ng BRABO News kinuyog ng mga taga-suporta ni Congressman-elect Marcy Teodoro

KINUYOG ng mga taga-suporta ni Congressman-elect Marcy Teodoro ang reporter ng BRABO News na si Iza Aldana ngayong hapon, Hulyo 1, 2025 sa Comelec Office sa Marikina City kaugnay sa inaabangan na proklamasyon.

Naroon si Aldana upang magsagawa ng news coverage kaugnay sa isasagawang proklamasyon ng kongresista sa Unanag Distrito ng Marikina matapos maglabas ng pinal na desisyon ang Comelec en banc na si Teodoro ang nanalo sa nakaraang halalan.

Mapapanood at maririnig sa video ang sigaw ng mga taga-suporta na “bias” di-umano si Aldana, bagay na pinasinungalingan ng pamunuan ng BRABO News.

“Hindi porke’t nagbabalita kami sa isang pulitiko ay kontra na kami sa hindi pa namin naibabalitang pulitiko,” ang pahayag ni Nep Castillo, reporter-at-large ng BRABO News.

Nag-ugat ang pangyayari nang makapasok si Aldana sa loob mismo ng Comelec Officer upang magsagawa ng panayam kaugnay sa isyu kung bakit hindi pa rin ipinoproklama si Teodoro sa kabila ng desisyon ng Comelec en banc.

BASAHIN  Comelec: TRO mula SC ‘di ibig sabihin na mali kami

Ayon kay Aldana, sumisigaw umano ang mga supporters ni Teodoro na bakit ang malaking media network ay hindi nakapasok sa loob ng opisina ng Comelec Officer.

“Madalas ko na po kasi ma-interview si Atty. Dave Villarosa kaya kilala na niya ako. Ang totoo hindi ko na nagawa pang mag-interview dahil napansin na mismo ni Atty. Villarosa na parang iba na ang mangyayari kaya siya na mismo ang nagpalabas sa akin,” ang pahayag ni Aldana.

Dagdag pa ni Aldana: “May nalaman kasi ako na after 3-days pa daw maipo-proklama si Cong-elect Marcy kaya gusto kong ma-interview si Atty. Dave. Bakit sila nagagalit sa akin eh wala naman akong kapangyarihan na pigilan yon, sino ba ako, tagapag-balita lang.”

Idinagdag pa ni Castillo: “Kung titingnan ibinabalita namin ang magkabilang panig tulad din ng ginagawa namin sa ibang lugar kung saan kami may local reporter.”

BASAHIN  ‘Serbisyo Caravan’ ng PCUP ikakasa sa 6 pang lalawigan kasama ang iba pang ahensya

“Nananawagan ang pamunuan ng BRABO News sa National Press Club na kondenahin ang ginawang pagkuyog na ito sa aming reporter. ‘Don’t shoot the messenger,’” dagdag pa ni Castillo, regular na miyembro ng pambansang organisasyon ng mga mamamahayag.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA