33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

Cong Marcy nanumpa na; reklamo laban sa Comelec-Marikina tuloy

NANUMPA na si dating Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro bilang kinatawan ng Unang Distrito ng lungsod sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kaninang umaga.

Ito’y matapos maiproklama si Teodoro ng mga miyembro ng local board of canvassers (BOC) bilang pagtalima sa kautusan ng Comelec en banc na naglabas ng pinal na desisyon sa pagkapanalo ng alkalde sa nakaraang halalan noong Mayo 12, 2025.

Bago nito, nagkaroon ng komosyon sa local Comelec office kung saan daan-daan sa mga taga-suporta ni Teodoro ang sumisigaw na dapat nang maiproklama ang kongresista at nadamay pa ang isang local reporter na kinuyog bugso ng emosyon.

Ayon kay Atty. Dave Villarosa ng Comelec-Marikina, nagkaroon lamang ng pagkaantala sa pag-convene ng mga miyembro ng local BOC dahil isa sa mga miyembro nito ay nasa meeting kaya pasado alas-4 na ng hapon nang maiproklama si Teodoro.

“May inayos lang kami na konting concerns dun sa convening namin ng BOC. May mga issues kasing lumitaw na posibleng mangyari kaya nag-meeting muna kami batay sa inilabas na finality ruling ng en banc,” ang pahayag ni Villarosa sa panayam sa telepono ng BRABO News.

BASAHIN  Monsod dismayado sa usad-pagong na planong pagdinig ng senado sa impeachment case vs VP Sara

Matapos ang proklamasyon, agad na tumungo si Teodoro sa Marikina Hall of Justice at nanumpa sa harap ni Judge Romeo Dizon Tagra ng RTC Branch 273, kasama ang kaniyang asawa na si Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro, ilan pang kapamilya at sinaksihan ng kanilang mga taga-suporta.

Una nang inalmahan ni Teodoro ang umano’y “arbitrary” at walang basehan na pagkaantala sa kanyang proklamasyon kahit na may pinal ng desisyon ang Comelec en banc na pinawalang-saysay ang lahat ng mga inaakusa sa alkalde kaugnay sa kanyang kandidatura.

“Ngayon nga wala naman pahayag ang Supreme Court tungkol sa temporary restraining order para sa proklamasyon ko,” ang pahayag ni Teodoro sa isang press conference.

Sa nasabing press conference, inihayag din ng dating alkalde na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso sa mga opisyales ng Comelec-Marikina dahil sa pagkaantala ng kaniyang proklamasyon.

“It’s contempt, dahil naglabas na ng kautusan ang Comelec en banc na inuutusan ang board of canvassers na mag-convene at iproklama ang nanalong kandidato noong May 12 elections,” dagdag pa ni Teodoro.

BASAHIN  Suspindido ang pagtanggap ng pirma sa PI — Comelec

“Dapat lang talagang managot kung talagang mapapatunayan natin na may kasalanan, kung may malisya o sadya talagang dinelay ng walang basehan. Yung delay kasi unnecessary. Kung nagawa sa atin, maaaring maulit pa,” ayon pa sa dating alkalde.

Giit naman ni Villarosa: “Karapatan iyon [ni Teodoro] kung sa tingin niya ay may pagkukulang ako. Pero sa part ko naman, ginawa ko lang [ang dapat para] maklaro ang proclamation.”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA