50% diskuwento ng pamasahe sa tren ng mga estudyante, ikinasa ng DOTr

MAGANDANG balita ang sumalubong sa mga estudyante nagyong umaga, Hunyo 20, nang ikinasa ng Department of Transportation (DOTr) ang 50% diskwento sa pamasahe sa tren.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, maliban sa valid school ID, maaari ring ipakita ng mga estudyante kahit ang proof of enrollment sa ticket booth para sa nasabing diskwento.

Sinabi pa ng kalihim na sakop sa nasabing diskwento hindi lamang ang mga nasa basic education at college level kundi pati na rin ang mga kumukuha ng master’s degree at law school mula Lunes hanggang Linggo pati na rin tuwing holidays.

“Magdadagdag tayo ng discount para sa lahat ng estudyante gamit ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3. Yung dating 20% discount lang, inutos ng ating Pangulo na gawin itong 50%,” ang pahayag ni Dizon.

“Simula ngayong araw, 50 percent na ang discount ng ating mga estudyante. Tuloy-tuloy na ito,” pahayag ni Dizon sa mga mamamahayag nang pasinayaan ito sa LRT2 Antipolo Station.

Ipatutupad sa kasalukuyan ang diskwento sa mga single-journey tickets lamang at hindi pa sa Beep cards, ngunit tiniyak ni Dizon na malaking ginhawa ito sa libu-libong estudyanteng araw-araw sumasakay sa tren.

Inihayag pa ni Dizon na ang diskwento ay batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maibsan ang pinansiyal na pasanin ng mga magulang lalo na ngayong pasukan.

“Malaking tulong ito sa mga estudyante at kanilang mga pamilya, lalo na sa gitna ng mataas na gastusin sa araw-araw,” dagdag pa ng kalihim.

IBA PANG BALITA

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...