Seguridad sa balik-eskuwela sa Hunyo 16 tiniyak ng EPD

TINIYAK ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang kaayusan at seguridad hindi lamang ng mga mag-aaral kundi ganun din ng mga guro at mga magulang sa darating na pasukan sa Hunyo 16, 2025.

Sa inilabas na anunyso kahapon ni EPD District Director PBGen. Aden Lagradante, sinabi nito na may kabuuang 535 pulis ang ipapakalat nila sa mga lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan.

Ayon kay Lagradante, pangunahing tututukan ng mga operatiba hindi lamang ang seguridad sa mga paaralan kundi gayundin ang pangangasiwa sa maayos na daloy ng trapiko.

Sinabi pa ng pamunuan na magtatayo rin sila ng on-site police assistance na ilalagay sa mga estratihikong lugar upang malayang lumapit ang mga estudyante at mga magulang.

Idinagdag pa ni Lagradante na nakipag-ugnayan na rin ang EPD sa mga lokal na pamahalaan, opisyal ng barangay at school administrators kapuwa sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

“Ang aming misyon ay na tiyakin na ligtas at maayos na balik-eskuwela sa lahat ng mga estudyante at iba pang stakeholders,” ang pahayag ni PBGEn. Lagradante.

Hinihimok pa ng director ang buong komunidad na iulat kaagad sa kanilang mga ‘police assistance desk’ ang anumang kahina-hinalang kilos o gawain upang maisagawa nila ang 5-minutong responde.

Ang nasabing ‘5-minute response’ ay bagong direktiba at bahagi ng programa ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si PGen. Nicolas Torre III para sa mabilis at epektibong police assistance.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...