33.4 C
Manila
Tuesday, April 29, 2025

₱4-M pera ng SK sa Pasig ninakaw, suspek tiklo

TIKLO sa isinagawang follow-up operation ang isa sa dalawang suspek sa pagnanakaw ng pera na pagmamay-ari ng Sangguniang Kabataan (SK) noong Abril 27, 2025 sa Brgy. Pinagbuhatan.

Ayon sa ulat ni PCapt. Christian Yanga, commander ng Sub-station 5 kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, patuloy pa nilang pinaghahanap ang kasabuwat ng suspek na pinaniniwalaang tumangay sa pera.

Kinilala ang nahuling suspek na si alyas “Jomar,” 23- anyos, isang tricycle driver at tinutugis na kasamahan nito na si alyas “JD” na nanloob sa Pinagbuhatan Child Development Center kung saan nag-oopisina ang Sangguniang Kabataan.

Sinabi pa ni Capt. Yanga na base sa impormasyon, naganap ang pagnanakaw dakong alas-2 ng hapon nang madiskubre ng mga SK officers ang sirang steel cabinet kung saan nakatago ang malaking halaga ng pera.

Lumalabas sa masusi pang imbestigasyon na umakyat ang dalawa mula sa rear wall ng katabing bahay at pilit sinira ang kisame ng ikalawang palapag ng gusali kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na makapasok.

BASAHIN  2 estudyante sa Pasig kinadyot ng saksak ng kapuwa estudyante

Matapos tangayin ang pera ay kinuha rin ng mga suspek ang CCTV camera sa pag-aakalang matakasan nila ang kanilang nagawang krimen at tumakas gamit ang tricycle na minamaneho ni alyas “Jomar.”

Agad namagn nagsagawa ng backtracking at follow-up operation ang pulisya matapos matanggap ang report, sa tulong ng mga nakalap na ebidensya ng EPD Forensic Unit at batay sa kuha ng CCTV sa labas ng opisina.

 
“Binibigyan natin ng komendasyon ang ating mga kapulisan sa mabilisang pagkahuli sa isa sa mga suspek. Walang puwang sa aming lugar ang mga ganitong indibidwal kaya’t tinitiyak namin na sa loob ng kulungan nila pagbayaran ang kanilang ginawang krimen,” ang pahayag ng bagong talaga na hepe ng Eastern Police District (EPD) na si PBGen. Aden Lagradante.

BASAHIN  EPD pinaigting ang kakayahaang makita ng publiko

Nasa kustodiya na ng Pasig City Police Station si alyas “Jomar” para sa kaukulang disposisyon at proseso ng kasong isasampa laban sa kanya, samantala, patuloy pa ang ginagawang operasyon ng pulisya upang matukoy ang kinaroroonan ng isa pang suspek na si alyas “JD.”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA