Hiring ng higit 7K non-teaching employees ikinasa na ng DepEd

SA utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., tuloy-tuloy na ang ginagawang renewal at hiring ng Department of Education (DepEd) ng mga school-based Administrative Support Staff sa ilalim ng Contract of Service (CoS) sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa na may kabuuang bilang na 7,062 empleyado.

Layon nito na alisin na sa mga guro ang mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo upang matiyak na nakatuon na lamang ang kanilang pansin at ilalaan ang oras sa pangangailangan ng mga mag-aaral, samantalang ang mga non-teaching staff naman ay gagawa ng mga administratibong gawain at tutulong sa mga punong-guro.

“Ang ating mga guro ay para sa silid-aralan at hindi sa likod ng pag-aayos ng mga papeles na umuubos ng kanilang panahon. Isang konretong hakbang itong ginagawa natin upang tiyaking nakapokos ang mga guro sa epektibong pagtuturo na kailangan ng ating mga estudyante,” ang pahayag ni DepEd secretary Sonny Angara.

Ayon pa sa kalihim, ang sahod at iba pang benepisyo ng mga non-teaching staff ay batay sa kasalukuyang minimum wage sa bawat rehiyon at imu-multiply sa 22 working days bawat buwan at may kasama pang 12.5% premium ‘which will be paid in tranches.’

Sa ilalim ng renewal at hiring guidelines, ang mga CoS personnel ay tutulong sa school operations tulad ng paghahanda ng mga ulat, mga programa at mga aktibidad at iba pang klerikal na gawain na ibibigay ng punong-guro.

Bilang karagdagan, ang mga aplikante ay may diploma sa Senior High School hangga’t maari, may kakayahan sa gawaing administratibo, marunong sa Microsoft Office at marunong kung paano gamitin ang mga office equipment. No prior work experience or training is required.

Para naman sa renewal ng mga kasalukuyang CoS personnel, susuriin ng school division offices (SDOs) ang naging pagganap nila ng kanilang trabaho at ibabatay sa Terms of Reference (ToR), samantalang sasailalim naman sa selection process batay sa kredensiyal at interbyu ng mga punong-guro at SDOs ang mga kukuning bagong empleyado.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...