33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Boss Toyo, IP lawyer nanawagan na itigil na ang pang-iiscam at diskriminasyon sa mga katutubo

NANAWAGAN ang kilalang influencer at content creator na si Jayson Luzadas o mas kilala bilang Boss Toyo kasama si Atty. Gil Valera, isang katutubo (Igorot Itneg) mula sa lalawigan ng Abra, na itigil na ang panluluko o pang-iiscam at diskriminasyon sa mga kababayan natin na kabilang sa Indigenous Peoples o mga katutubo.

Ito’y matapos malaman ng kanilang grupo na marami sa mga katutubo ang napipilitang ipagbili ang kanilang mga lupain sa mga ganid na negosyante o developers.

Nakatanggap din umano ang kanilang grupo ng mga reklamo ng diskriminasyon kahit na sa mga transaksyon nila sa pamahalaan.

Si Luzadas ay miyembro ng PINOY AKO Organization, isang advocacy group, na nagsusulong sa mga karapatan ng mga katutubo at mapabuti pa ang kanilang pamumuhay.

Si Valera naman ay ang 3rd nominee ng PINOY AKO Partylist, sa ilalim ng nabanggit na organisasyon, na ang adhikain ay magkaroon ng pantay na oportunidad at karapatan ang mga katutubo tulad ng iba pang Filipino.

Sa ginanap na press conference ng nasabing organisasyon kahapon sa Mandaluyong City, sinabi pa ni Vallera na tututukan nila ang 1997 Indigenous Peoples Rights Act o IPRA law upang maipatupad ang mga probisyon nito laban sa mga pananamantala sa mga katutubo.

BASAHIN  Magnitude 5.6 na lindol, yumanig sa Dalupiri island

Ilan sa mga kaso na kanilang natanggap ay ang mga sumusunod:

Umabot ng 13 taon bago napasakamay ng nasa 848 na mga pamilyang ng Aeta sa Pampanga ang kanilang higit sa 18,660 ektaryang lupain sa pamamagitan ng pagkaloob sa kanila ng certificate of ancestral domain title o CADT.

Mula 6,230 ektaryang lupain, naging 5,430 ektarya na lamang sa paglipas ng panahon ang napunta sa 533 pamilya ng mga Aeta sa Zambales bago ito napagkalooban ng CADT. Nito lamang 2023 natuklasan ng city council ng Baguio na batay sa legal opinion, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla noon pang 2022, na ang inisyu na certificate of ancestral land title o CALT at CADT ay valid kapareho ng ng mga kasalukuyang land titles.

Ginawa ito ng nasabing konseho dahil hindi umano inisyuhan ng building permit ang mga katutubo na nais magpatayo ng kanila sarili nang bahay sa loob ng Camp John Hay.

Nagpapakita lamang umano ito, ayon sa mga konsehal ng lungsod, ng diskriminasyon sa mga katutubo sa kabila nang umiiral na proteksyon at garantiya ng Saligang Batas ng 1987 at 1997 Indigenous Peoples Rights Act o IPRA law.

BASAHIN  House, iimbestigahan ang ‘korapsyon’ sa PUVMP

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA