33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Former anti-corruption czar Greco Belgica inendorso ng iba’t ibang grupo na tumakbong mayor ng Maynila

INENDORSO ng iba’t ibang grupo si dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgcia na tumakbong alkalde ng Lungsod ng Maynila sa darating na midterm elections sa 2025.

Kabilang sa mga grupong ito ang Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), Reporma Pilipinas, iba’t ibang religious groups, mga retiradong heneral, dating opisyal ng gobyerno, abogado, pinuno ng sektor at mga negosyante.

Sa pangunguna ni Belgica, nakipag pulong sila sa mga respetadong pinuno, mga kinikilalang eksperto at intelektwal mula sa iba’t ibang industriya, at mga opisyal ng LGU para pag-usapan ang inisyatiba. 

Mayroong ilang pangakong binitawan si Belgica kung sakaling papalaring manalo bilang mayor ng Maynila  sa darating na halalan.

Ayon kay Belgica, ipagpapatuloy niya ang sinimulang adhikain sa administrasyong Duterte kung saan namuno siya sa PACC laban sa korapsyon, red tape, ilegal na droga, at kriminalidad sa mga lungsod ng bansa.

Pagtutuunan ng pansin rin umano ni Belgica ang kalinisan ng city hall, transparency ng demokratikong gobyerno, gagawa ng mga bagong trabaho at industriya sa lungsod, makakalikasang pampublikong transportasyon, tutugunan ang pagbaha, at magbibigay ng dobleng social pension para sa mga nakatatanda, estudyante, at solo parents.

“Dapat nating suriin at pasimplehin ang mga sistema at patakaran ng pamahalaan upang maputol ang burukrasya at itulak ang pagbabago ng isang mabagal, burukratiko, korap, at mapang-abusong lokal na pamahalaan na sumasalamin sa tiwaling pambansang pamahalaan,” dagdag pa ng anti-corruption czar.

“Ilalapat ko ang mga konsepto at prinsipyo na aking itinataguyod sa Constitutional Convention sa ating Lungsod,” ayon pa kay Belgica.

BASAHIN  Bloodletting program, libreng bakuna handog ni Mayor Zamora sa kanyang ika-46 kaarawan

Sinabi pa ng dating konsehal na papagaanin niya ang mga pasanin sa pagbabayad ng buwis ng mga negosyante at makakasigurado umano ang kanyang mga kababayan sa isang mapayapa at progresibong lungsod na kung saan pati mga ordinaryong tao at hindi lamang pulitiko ang maaring umunlad at magtagumpay sa paglikha ng buhay sa Maynila.

Abolisyon ng amilyar sa mga bahay at pribadong ari-arian ay isa rin sa ipinangakong aaksyunan ni Belgica.

Matagal nang isinusulong ni Belgica ang mga platapormang binanggit niya sa panayam bilang lead convernor ng Pilipino Tayo Movement,  isang grupo na nananawagan sa gobyerno na magpatawag ng Constitutional Convention, bago pa man maganap ang pag-eendorsong ito.

Nanilbihan si Belgica bilang city councilor sa Lungsod ng Maynila at tagapangulo ng committee on Police, Peace and Order, Fire and Public Safety.

Noong 2023, pinangunahan din niya ang petisyon na nag-abolish sa ‘pork barrel system’ ng mga kongresista.

Ang hatol na ito ay tinatawag na ngayong “Belgica Ruling.”

Itinatag din ni Belgica ang Yeshua Change Agents na nanguna sa pagsasanay sa mga LGU para sa wastong pagpapatupad ng Comprehensive Dangerous Drugs Act sa mga lungsod at lalawigan sa Pilipinas.

BASAHIN  Caloocan PNP, nakatanggap ng 8 patrol cars

Sa panahon ng panunungkulan nito sa PACC, pinamunuan niya ang pinakamaraming kaso na isinampa sa korte laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno at lahat ng tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng opisina ng Pangulong Duterte taong 2018.

Kamakailan lamang, lumagda ang PDDS at Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) sa isang alyansa upang isulong ang mga kandidato nito para sa 2025 midterm elections.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA