33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Alternatibo sa girian sa WPS inilatag ng ilang eksperto sa depensa, seguridad

INILATAG ng ilang eksperto sa larangan ng depensa at seguridad ang ilang alternatibo upang magkaroon ng solusyon sa nangyayaring girian sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa dating kalihim ng National Defense at national security adviser na si Norberto Gonzales, mahalaga aniya na malaman kung ano ang puno’t dulo ng alitang ito.

“Una, ang pulitika ng Tsina. Kailangan nating maunawaan na may mas mataas pa sa China, ang Partido Komunista ng Tsina,” ang pahayag ni Gonzales sa “Tapatan” media forum sa San Juan City kasama si Atty. Alex Lacson bilang moderator.

“Nangangahulugan ito na makikipag-diyalogo tayo sa Tsina, ngunit lalo na sa Communist Party of China. China thought about its actions, and is not reactive. Pag-isipan natin ngayon kung ano ang magiging solusyon,” dagdag pa ni Gonzales.

Sinabi pa ng dating defense secretary na ang liderato ng Tsina ay may kaisipang magpalawak pa dahil gusto nilang maging makapangyarihang basa sa buong daigdig.

“Ayaw din ng Tsina ng giyera. Ngunit kapag teritoryo na ang nasasangkot, mapipilitan sila kung saan titiyakin nila na mananalo sila at gagawin nila ito sa mas mabilis na paraan,” dagdag pa ni Gonzales.

BASAHIN  Pamaskong resupply mission, hindi hinarang ng China

Sa bahagi naman ni dating national security adviser sa unang bahagi ng administrasyong Marcos na si Dr. Clarita Carlos, kailangan aniyang malaman na marami ang nasasangkot sa isyung ito.

Dagdag pa ng dating propesora, na puwede rin aniyang isaalang-alang ang di-pulitikal na maaaring masangkot tulad ng marine resources tulad ng pangingisda sa West Philippine Sea.

“Deka-dekada nang magkatuwang ang mga marine scientist ng Pilipinas at China kung saan sabay nilang tinutuklas at pinag-aaralan ang mga pagbabago at pangangailangan ng yamang-dagat sa West Philippine Sea,” ayon kay Carlos.

Tinutukan naman ng chairman ng Advocates of National Interest (ANI) at retiradong si Tinyente Heneral Edilberto Adan, ang may kaugnayan sa lawak ng seguridad, pagiging agresibo at pambu-bully ng China sa WPS.

“Since it’s premised on the alleged bullying and aggression of China in the West Philippine Sea, what the government is showing now, we show that bullying are held back by China operationally,” sabi ni Adan.

BASAHIN  Mahigit 273,000 COCs nai-file para sa BSKE

Tungkol naman sa alegasyon ng wiretapping sa pagitan ng isang heneral at isang Chinese official, sinabi ni Adan na hindi aniya otorisado ang isang three-star general ng AFP na makipag-usap sa mga Chinse diplomats dahil tagapagpatupan lamang aniya ito ng mga polisiya ng pamahalaan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA