33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Ibanian Festival matagumpay sa 9-day barangay fiesta

MATAGUMPAY ang naganap na barangay fiesta na ginawang siyam na araw na Ibanians Festival, kasabay ng pagdiriwang ng Viva Nuestra Señora de la Paz y del Buen Viaje na may engrandeng pasabog at kasiyahan para sa mga residente ng Barangay Iba, Anini-y, Antique.

Sinimulan ang kapistahan ng siyam na araw noong April 27 hanggang May 5, 2024 na kung saan ay gabi-gabing abala sa panonood at nakagigiliw na kasiyahan ang mga residente ng Brgy. Iba.

Sa unang salvo ng Ibanian Festival ay mayroong Grand Caravan, Exhibition Basketball Game, Festival Queen Night, Farmer’s Day, Fisher Folk’s Day, Senior Citizen’s Night, Fashioniesta 2024, Live Band Concert, Festival Queen Coronation Night, Procession at Holy Mass para sa barangay religious fiesta.

Nagkaroon din ng basaan habang nakasakay ng bangka, street dancing competition, Rave Neon Party with DJ, Beach Party and Acoustic Night at hindi mawawala sa bawat kasiyahan ang Baylehan na sinalihan ng mga bata at matatandang todo sa hataw.

BASAHIN  Traffic enforcer na sinuhulan ng ₱2,400 iimbestigahan ng MMDA

Nakakabilib din ang kanilang street dancing competition dahil ipinahiwatig nito ang kultura at tradisyon ng bawat lumahok na barangay.

Mula sa utak ng kanilang barangay chairman na si Dante Grande at mga opisyal ng Barangay Iba at mula sa tulong ng mga residente ay nabuo ang kanilang engrandeng kapistahan na pinatatag hanggang siyam na araw na walang patid na selebrasyon at ipinakilala ang handog na kakaibang Ibanian Festival.

Ang Ibanian Festival ay taun-taong ginagawa na sinimulan ni Chairman Dante Grande na nasa ikalawang termino na ngayon at patuloy na umaasa na makamit ang mas maunlad na barangay.

“Hindi naman mabubuo ang Ibanian Festival kung hindi na rin sa tulong ng mga residente na nais na maging masaya at taun-taon na umaasam na magkaroon ng mas magarbong kapistahan,”ayon kay Kap Dante.

BASAHIN  Mahigit 187-K katao, naapektuhan ng shearline sa Davao Region

Mula sa isang payak na barangay na puno ng mga residenteng nais ng kaunlaran ay nabuo ang Ibanian Festival at hanggang ngayon ay nasa kanilang mukha pa rin ang saya sa pagtatapos ng Ibanian Festival.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA