33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Reklamo laban sa gobernador ng Masbate iniurong

INIURONG na ng complainant na si Ruben Fuentes ang natitirang 10 sa 15 reklamo niya laban sa gobernador ng Masbate na si Antonio Kho.

Ito’y matapos ibasura ng Office of the Ombudsman ang lima sa nauna niyang isinampa laban sa nasabing opisyal noong Marso.

Inamin ni Fuentes, isang media practitioner sa Masbate, na walang anumang pahiwatig ng anomalya ang kaniyang reklamo kaya nag-file na lamang ito ng affidavit of desistance para sa natitira pang sampong reklamo sa Deputy Ombudsman for Luzon.

Kasabay nito, humingi rin ng tawad si Fuentes kay Kho at sa sampung iba pang opisyal ng lalawigan na idinawit sa kaso.

BASAHIN  Seguridad sa panahon ng Kuwaresma sa MM tiniyak ng PNP

“Humingi na ako ng paumanhin kay Governor Kho gayundin sa sampung opisyal dahil sa malisyoso at walang mga basehan kong mga reklamo,” ang pahayag ni Fuentes.

“I am deeply sorry and I regret whatever embarrassment these complaints may have caused in their names and reputation in the eyes of their constituents,” dagdag pa ng complainant.

Sa kaniyang 2-pahinang Affidavit of Desistance,  inamin ni Fuentes na ang kaniyang mga akusasyon ay premature bagay na ibinasura ng korte ang naunang limang kaso.

Ang isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi na itinuloy ni Fuentes ang kaniyang reklamo ay na sapagkat halos magkapareho lamang ang laman ng kaniyang mga natitira pang complaints.

BASAHIN  12 PNP personnel ginawaran ng ‘Medalya ng Kagalingan’

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA