33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

2 barko ng Pinas nawasak, pambobomba ng China kinondena

DALAWANG barko ng Pilipinas ang nawasak matapos kuyugin ng mga barko ng China at pagtulungang bombahin ng tubig habang patungo ito sa Bajo de Masinloc upang maghatid ng suplay ng langis at pagkain.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard-West Philippine Sea (PCG-WPS) na kaliwa’t kanang binomba ng mga barko ng China Coast Guard gamit ang water cannon ng mga ito ang BRP Bagacay ng PCG at BRP Bankaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon.

Alas-9:30 ng umaga kahapon nang maganap ang nasabing insidente habang nagpapatrulya at maghatid ng kinakailangang mga suplay bilang bahagi ng misyon para sa mga magsasaka at mangingisda.

Kasabay nito, sinabi pa ni Tarriela na muling naglagay ang China ng 380-metrong floating barrier sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc kung kaya hindi na ito mapasok ng mga barko ng Pilipinas.

Kinondena naman ng ilang embahada ang pinakahuling pambobombang ito ng China sa mga barko ng Pilipinas.

“Gumamit na naman ng mapanganib na pagkilos ang China gamit ang water cannon upang hadlangan ang isang naaayon sa batas na gawain ng Pilipinas upang maglaan ng pagkain at langis sa mga mangingisda nito, sa loob mismo ng ‘exclusive economic zone’ nito,” ayon kay Ambassador MaryKay Carlson ng United States.

BASAHIN  Bawas-pensyon ng MUP, dapat sa mga bago lang – Jinggoy

Nakiisa rin sa nasabing pagkondena sina European Ambassador Luc Véron, British Ambassador Laure Beaufils, Japanese Ambassador Endo Kazuya at French Ambassador Marie Fontanel.

Giit naman ng Chinese foreign ministry spokesman na si Lin Jian, dapat nang itigil ng Pilipinas ang mga aksyong pumupukaw lamang ng tensyon partikular na ang panghihimasok nito sa inaangking teritoryo.

Samantala, nananawagan naman ang Katipunan ng Demokratikong Pilipino, (KDP), isang politikal na partido na itinatag ng dating Undersecretary ng Department of Education (DepEd) na si Antonio “Butch” Valdez, na dapat nang itigil ang anumang aksyon na magresulta sa giyera.

Ayon kay KDP president Carlos Valdez, nasa bingit na tayo ng alanganin, o maaring mauuwi na sa armadong hidwaan kung hindi mag-iingat ang dalawang panig sa mga nangyayari ngayon sa WPS.

“Make no mistake. We are on the brink of a global war, the likes of which has no precedent,” ang pahayag ni Valdez.

“We call on all our government leaders to endeavor to increase diplomatic efforts with all parties to decrease the possibility of a conflict we cannot control nor hope to influence,” ayon pa kay Valdez.

BASAHIN  39 Pinoys, makatatawid na rin sa Gaza; mahigit 11,000 ang napatay sa digmaan

Idinagdag pa ng KDP na dapat aniyang huwag nang idamay ng US at China ang Pilipinas sa girian nito kung sino ba talaga ang mas makapangyarihang bansa ngayon.

“We call on our friends in the ASEAN and Asia, and beyond, to those with like minds, those who value the inalienable rights to life, liberty, and pursuit of happiness, to echo our calls for a de-escalation of war tensions, and to vigorously promote cooperation among nations,” pagtatapos ni Valdez.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA