33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

NCRPO: 8K pulis kasado na sa Mayo 1

HIGIT sa 8,000 pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan bukas, Mayo 1.

Inaasahan na magsasagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa piling lugar sa Kalakhang Maynila upang ipahayag ang kanilang saloobin sa Araw ng Paggawa o Labor Day.

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., taun-taon ay maaga nilang pinaghahandaan ang mga posibleng mangyari sa mga kilos protesta na isasagawa ng mga militanteng grupo.

Sinabi pa ni Nartatez na mas maigting pa ang ginawa nilang paghahanda ngayon dahil kasabay ito sa huling araw ng isinasagawang transport strike.

Mula kahapon, Abril 29, sinimulan ng PISTON, Manibela at iba pang grupo sa hanay ng transportasyon ang tatlong-araw na transport strike kaugnay sa kanilang pagtutol sa public utility vehicle modernization program ng pamahalaan.

BASAHIN  Cash gift sa 80-90 anyos lalagdaan na ni PBBM

Idinagdag pa ni Nartatez na malaya ang iba’t ibang grupo na magpahayag ng kanilang saloobin kahit na wala itong permiso, basta’t isasagawa ito sa Liwasang Bonifacio lamang sa Maynila at gayundin sa Freedom Park sa Quezon City Memorial Circle.

Ngunit babala ng NCRPO chief, na bubuwagin nila ang isinasagawang kilos protesta ng sinumang grupo na walang permiso mula sa mga lokal na pamahalaan.

Samantala, ang Eastern Police District (EPD) na binubuo ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan ay handa na sa anumang mangyayaring kilos protesta.

“Bumuo na kami ng task force groups alinsunod sa direktiba ng aming Regional Director, kaya handa na ang aming civil disturbance management contingents kung kakailanganin pa ng karagdagang puwersa,” ang pahayag ni EPD Director Police Brigadier General Wilson Asueta.

BASAHIN  43 sasakyan ng Pasig LGU ginamit para sa 'Libreng Sakay,' ilang driver hindi nakisali sa unang araw ng transport strike

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA