33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Dahil sa tiwala, VP Sara nag-TY kay PBBM

NAGPASALAMAT si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa patuloy na pagtitiwala sa kanya sa kabila ng mga panawagang bitawan na siya ng pangulo o kaya’s siya na mismo ang magbitiw sa puwesto.

Ipinagtanggol noong Martes ni Pangulong Marcos si VP Sara at sinabing wala siyang makitang dahilan para tanggalin ito at wala siyang makitang ipalit bilang Kalihim ng Edukasyon.

“Maraming salamat Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa iyong patuloy na tiwala sa akin bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” ang naging pahayag ni Duterte.

“Asahan ninyo na ang DepEd, na binubuo ng mga teaching at non-teaching personnel, ay patuloy na maglilingkod nang may katapatan para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

BASAHIN  Imbestigahan, mc accident sa laguna – LTO

Matatandaan na inamin ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa isang interview, na “bad shot” sa kaniya si VP Sara matapos nitong tukuyin ang kuha sa video na pagtawa ng pangalawang pangulo nang banggitin ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ‘bangag’ si PBBM, sa isang rally sa Davao City.

“Mga kababayan, bilang isang nilalang, may karapatan si First Lady Liza Marcos na makadama ng galit at hinanakit. Ngunit ang kaniyang personal na nararamdaman ay walang kinalaman sa aking mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan,” ang maikling pahayag ni VP Sara pagkatapos ng kontrobersyal na panayam.

Sinabi pa ng Pangalawang Pangulo na mag-uusap na lamang sila ng sarilinan ni Pangulong Marcos upang pag-usapan ang mga bagay-bagay.

BASAHIN  Marcos, dinedma si Inday Sara sa SONA?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA