33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Remulla paiimbestigahan kung pasok sa kasong sedisyon si Alvarez

PAIIMBESTIHAN ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kung pasok sa kasong sedisyon ang mga binitiwang salita ng dating speaker na si Congressman Pantaleon Alvarez ng Davao del Norte.

Sa isang rally sa Davao del Norte kasama si dating presidente Rodrigo Duterte, hinimok ni Alvarez ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bawiin na ang suporta nito sa Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at pumanig sa mga mamamayan.

“Tulad ko, na dating mambabatas, nais ko lang paalalahanan si Congressman Alvarez na kumilos ayon sa mataas na pamantayan ng etika, moralidad at nasyonalismo at iwasan ang mga pananalita na hindi angkop sa isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso,” ang pahayg ni Remulla.

BASAHIN  4 Million seniors, tatanggap na ng social pension

Batay sa Revised Penal Code, ipinagbabawal ang anumang pagkilos o pananalita na gumawa ng sedisyon o himukin ang sinuman na mag-alsa laban sa pamahalaan o otoridad.

Matatandaan na nitong Linggo, nakiusap si Alvarez sa military na i-withdraw na ang suporta nito sa pangulo at makiisa kay Duterte sa Tagum City.

Ngunit kaagad na nagbigay ng pahayag ang AFP ganun din ang Philippine National Police (PNP) at nagbigay ng katiyakan na tapat sila sa 1987 Constitution.

Handa naman si Alvarez na harapin ang anumang imbestigasyon.

“Ok naman ako imbestigahan kasi alam naman natin ‘yung elements ng crime na sedition at saka ng rebellion,” buwelta ng kongresista.

“Wala namang violence na nangyari. Inciting to sedition? Ako nanindigan pa rin na walang ganun. Ngayon, para sa akin, hayaan na lang natin ang DOJ na magsabi ano ang crime committed,” dagdag pa ni Alvarez.

BASAHIN  Mahigit 2-M pasahero, inaasahang dadagsa sa mga paliparan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA