Habal rider tiklo sa ₱1.7M droga sa Pasig

0
226
Habal rider tiklo sa 1.7M droga sa Pasig

TIKLO ang isang habal-habal rider at nakumpiska sa kaniya ang 250.8 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa isang check point kaninang madaling araw sa harap ng Rainforest Park F. Legaspi Street, Maybunga, Pasig City

Pinangunahan mismo ni Police Captain Jazon Lovendino, Substation Commander ng Substation 7 ng Pasig PNP ang nasabing checkpoint operation at ayon kaniyang ulat kay Police Colonel Celerino Sacro, Jr. ang chief of police ng Pasig PNP, pang anim na delivery na umano ito ng suspek mula ng pinasok nito ang pagiging drug courier.

Kinilala ang lalaking suspek na si alyas “Win,” may-asawa at dalawang anak, habal-habal driver at nakatira sa Brgy. Prinza, Teresa, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon, matapos umanong harangin ng mga operatiba ang suspek sakay ng asul na motorsiklo nito, naging kaduda-duda na umano ang ikinilos nito.

BASAHIN  Mayor Vico handa na sa ‘The Big One;’ Pasig at Cagayan Valley magtutulungan

Idinagdag pa ng ulat na pumalag umano ang suspek nang hingin ng mga pulis ang lisensya at rehistro ng motor at naging arogante pa umano hanggang sa sinipa nito ang sumisita sa kaniya at pinaharurot ang motorsiklo nito.

Hinabol ng mga pulis ang suspek hanggang sa nahuli ito ngunit nagpupumiglas pa rin kung kaya’t pinosasan agad ng mga operatiba.

Nakuha sa suspek ang isang pulang belt bag na naglalaman ng tatlong supot na pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 250.8 gramo at may street value na aabot sa ₱1.7 milyon.

Sa panayam ng BRABO News, inamin nito na dahil sa kagustuhang maipagamot ang maysakit manong anak nito kung kaya’t napilitan itong maging courier ng droga kung saan ito umano ang ikaanim niyang delivery buhat ng nag-umpisa ito sa umano’y isang easy money scheme.

BASAHIN  Wanted sa rape huli sa warrant

Sasampahan ng kaso ang suspek dahil sa paglabag nito sa Section 11, Article II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, direct assault, resisting arrest at disobedience.

About Author