33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Rommel Marbil ng “Sambisig” ’91, bagong hepe ng PNP

ITINALAGA ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Pinalitan niya si Police General Benjamin Acorda, Jr na nag-retiro kahapon, Marso 31. Sina Marbil at Acorda ay kabilang sa “Sambisig” Class 1991 ng Philippine Military Academy (PMA).

Matatandaan na nakatakda sanang mag-retiro si Acorda noong Disyembre 3, 2023 ng sumapit ito sa retirement age na 56 ngunit pinalawig pa ni Pangulong Marcos ang paninilbihan nito.

Mula Police Major General, na-promote rin si Marbil sa ranggong Police General sa ginanap na change-of-command ceremony sa Kampo Crame, Quezon City kaninang umaga.

“I hereby assume the position as Chief Philippine National Police effective April 1, 2024,” ang pahayag ni Marbil.

Pamumunuan ni Marbel ang 232,000 kabuuang puwersa ng pulisya bilang ika-30 hepe ng PNP sa ilalim ni Secretary Benjamin Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

BASAHIN  Bebot tinalo ng tropa sa inuman

“With our heartfelt congratulations, we welcome Police General Rommel Francisco Marbil, who will assume the responsibilities of the 30th Chief of the PNP. Police General Marbil, you have my full confidence and my full support, as you begin to champion a police that is pro-God, pro-country, pro-people, pro-environment,” ang sabi ni Marcos kay Marbil.

Bago maging PNP chief, si Marbil ay naglingkod bilang Directorate for Comptrollership at naging director din siya ng Police Regional Office 8 sa Eastern Visayas.

Kahapon, Linggo, naglabas ng pahayag ang opisina ni Executive Secretary Lucas Bersamin na itinalaga ng Palasyo si Police Lieutenant General Emannuel Baloloy Peralta bilang pansamantalang kapalit ni Acorda.

BASAHIN  Evacuation Centers sa bawat Siyudad, Bayan – Jinggoy

Bilang pinaka-senior sa hanay ng pamunuan ng Pambansang Pulisya, nanungkulan si Peralta ng wala pang 24 oras at tulad nina Acorda at Marbil, miyebro rin siya ng “Sambisig” Class of 1991 ng PMA.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA