33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Produktong gawa sa niyog at durian tampok sa IFEX Philippines 2024

MAY aabangan na naman ang mga delegado sa IFEX Philippines 2024 dahil muling matitikman ang mga produktong gawa sa niyog at durian, ang dalawa sa nangungunang itatampok sa nasabing taunang food expo sa bansa.

Noong 2022 lamang, umabot sa 43% ang kabuuang naiambag na benta mula sa produktong gawa sa niyog para sa mga ini-export na agricultural products ng bansa kung saan popular ito sa merkado sa Europa.

Ilan sa mga produktong gawa sa niyog ay ang coconut oil, copra meal, desiccated coconut, coconut water, coco peat, at activated carbon dahil ayon sa mga importers interesado ang kanilang mga kustomer sa health-oriented at plant-based food offerings, at iba pang functional benefits ng niyog.

Samantala, umabot sa US$ 1.88 milyon ang kabuuang halaga sa export ng durian sa bansang China pa lamang noong nakalipas na 2023, ayon sa DTI.

Dahil dito, inaasahan na tataas pa ang export sales ng nasabing prutas kapag maratipikahan na ng senado ang panukala at maisakatuparan na sa darating na Hunyo ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

BASAHIN  It’s Showtime, tuloy ang Suspensyon

Ang economic integration na ito ay lalo pang magpapataas at masisisguro ang overall supply chain sa mga nangungunang export partner na China at ibang karatig-pook sa Asia-Pacific region.

Resulta ito ng kamakailang pagbisita noong Enero 2023 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa China kung saan lumagda siya sa Protocol of the Phytosanitary Requirements for Export of Fresh Durians from the Philippines to China.

Sinimulan ang full implementation ng bilateral agreement na ito noong Abril 2023 kung saan nakapagpadala na ang Pilipinas ng first shipment na umabot sa 28,000 kilograms ng sariwang durian.

Pangungunahan ng Center for International Trade Missions and Expositions (CITEM), isang attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI) na namamahala sa pag-develop ng platform para sa mga local food companies upang maging competitive, stable, at sustainable sa kabila ng mga hamon sa global food market.

BASAHIN  Single ticketing system sa Mandaluyong City kasado na

Ang ika-17 edisyon ng nasabing food expo ay gaganapin sa World Trade Center Metro Manila sa Pasay City mula May 10-12, 2024, ang tinagurian na pinakamalaking international trade show for food and ingredients sa bansa.

Inaasahan na magsasama-sama na naman ang mga new stream of importers kasama ang mga regular community of buyers at mga panauhin mula sa America, Asia, Europa, at Gitnang Silangan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA