KULUNGAN ang bagsak ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation at makuhanan ng ₱68,000 halaga ng illegal na droga, kamakalawa sa Valenzuela City.
Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Sanchez.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanilang target na si alyas “Joel” ng ₱8,600 halaga ng droga.
Nang tanggapin ni “Joel” ang isang ₱500 bill marked money na may kasamag 8-pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ng kanyang kasabwat na si alyas “Archie” dakong alas-2:40 ng madaling araw sa M.H Del Pilar St., Brgy., Malanday.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000 at buy bust money.
Kasong paglabag sa sections 5 at 11 under Article II of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
