33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Paggawa ng perang papel na hindi mapepeke, ibinida online

ANG nakakabilib at walang humpay na kakayahang lumipad ng ibong albatros ay pinag-iisapan na gayahin ng mga inhinyero upang makapagdisenyo ng matipid sa gasolina na mga sasakyan at kagamitang panghimpapawid.

Posible namang magamit sa mga robot na ginagamit sa search and rescue at gayundin sa surgical equipment na kayang bumaluktot o pumilipit, ayon sa mga siyentipiko, ang disenyo ng buntot ng seahorse.

At naniniwala ang mga siyentipiko na ang pagkakadisenyo sa Pollia berry ay puwedeng gayahin sa mga produktong gaya ng hindi kumukupas na mga pangkulay (fade-resistant dyes) at ng mga papel na hindi mapepeke (counterfeit-resistant paper), espisipiko na sa mga perang papel.

Ito ay tatlo lamang sa maraming halimbawa ng mga artikulong mababasa online sa jw.org, na ginawa ng mga Saksi ni Jehova, kung saan 2,100,000 katao ang bumibisita araw-araw.

Ang jw.org ay kinikilala bilang ang most translated website na may 1,087 wika.

Mamamangha ka sa mga mababasa mo dahil ginawa ang nasabing website upang hikayatin ang isa na pahalagahan at pasalamatan ang Maylalang.

BASAHIN  Handa ka na ba kapag dumating ang di-maiiwasang kalamidad?

Sa seksyon na “May Nagdisenyo Ba Nito?” matutuwa ka rin kay Kanji, ang aso ng pamilyang Tolentino sa Malolos City dahil sinanay siya na hanapin ang isang nakatagong bagay sa loob at labas ng bahay.

Ang mag-asawang Jezreel at Jesiebel Tolentino kasama ang kanilang dalawang anak ay nagulat nang mabasa nila sa nabanggit na website na ang pandamdam na pang-amoy ng isang aso ay sanlibong ulit pala ang kahigitan kumpara sa tao.

“Nakakatuwa!” ang naibulalas ng 7-taong gulang na si Jameer. “Hindi ko alam na kaya palang gawin iyan ni Kanji.”

Maliban sa mga artikulo, may mga audio at video recording rin upang mas madaling maunawaan ang mga paglalarawan sa kamangha-manghang mga nilalang at pananim.

“Ang mga serye sa jw.org ay lalo pang magpapalalim sa iyong pagpapahalaga sa ebidensiya ng matalinong disenyo sa lahat ng mga nilalang. Nakakapukaw interes din hindi lamang sa mga animal lovers kundi nakapagpapasigla rin sa mga mambabasa sa kabuuan,” ayon kay Ron Kenneth Jahaziel Mariano, lokal na tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova.

BASAHIN  Pantulong sa moral na aspeto para sa mga PWD, mababasa na online

Idineklara ng United Nations ang Marso 3 bawat taon bilang “World Wildlife Day,” upang gunitain ang pagpapahalaga sa kalikasan at marami ang makakaalam kung paano ito pangalagaan.

Para sa mabilis na access, i-click ang jw.org > Turo ng Bibliya > Ang Siyensiya at ang Bibliya > May Nagdisenyo Ba Nito?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA