Lalaki kulong sa pagbebenta ng baril sa Caloocan

0
136
Lalaki kulong sa pagbebenta ng baril sa Caloocan

SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraang pagbentahan ng baril ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Caloocan City.

Pinosasan kaagad ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta si alyas “Otep” residente ng Barangay 176, Bagong Silang nang tanggapin ang markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng kalibre .22 na revolver na may kargang isang bala sa chamber.

Ayon sa report, isinagawa ang entrapment operation bandang 3:00 ng madaling araw sa Phase 1 Package 4, Lot 10, Brgy. 176 matapos kumagat sa pain ng pulisya ang suspek.

Nakarating ang impormasyon sa mga tauhan ni Col. Lacuesta ang ginagawang pagbebenta ng armas ng suspek kaya’t halos isang linggo silang nagsagawa ng paniniktik at pagmo-monitor sa kilos ni Otep bago naisagawa ang transaksiyon.

BASAHIN  FB troll army sa Pasig isiniwalat ni Mayor Vico

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isinampa ng pulisya laban sa kanya sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

BASAHIN  Reserve military force ng bansa, palakasin - Brawner

About Author