Marikina, handa na para sa El Niño

MAYROONG sapat na bolyum ng tubig ang lungsod ng Marikina para maibsan ang epekto ng El Niño.

Ito ang sinabi kahapon ni Marikina City Mayor Mary Teodoro, matapos niyang ilahad na mayroong water harvesting facilities sa mga pampublikong paaralan, pati na ang anim na deep well systems na nakakonekta sa Manila Water, sakaling magkaroon ng water rationing.

“Nagrerecyle tayo ng tubig, ‘yung rainwater. Pangalawa meron tayong mga deep well system with Manila Water. Hindi ito ordinaryong deep well. Ito ‘yung mga nakakabit doon sa pipeline ng Manila Water,” saad ni Teodoro.

Nitong Enero 19, inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang El Niño task force, sa ilalim ng Executive Order No. 53 na maghanda at magsagawa ng “systematic, holistic, and results-driven interventions” para mabawasan ang epekto ng El Niño.

“We should all cooperate and coordinate as we deal with the effects of and concerns on El Niño. We do not need a new structure. What we need is to breathe fresh energy and a new lease on life on the existing networks and links that we have all access to,” ayon pa kay Teodoro.

Samantala, sinabi ni Engr. William Juan na dapat lahat ng mga gusali ng pamahalaan pati na sa pribado ay dapat magkaroon ng water harvesting facilities para makatipid sa konsumo ng tubig at may magagamit sakaling magkaroon ng kakulangan sa tubig bunsod ng El Niño.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...