33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Libreng dialysis sessions, handog ng Navotas Hospital

Magkakaloob ng libreng dialysis treatment ang Navotas City Hospital matapos nitong tumanggap ng walong bagong hemodialysis machine mula sa lokal na pamahalaan.

Pinangunahan mismo nina Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng lungsod, ang pagpapasinaya sa mga dialysis unit sa NCH.

Dahil dito, maaari nang tumanggap ng 21 session bawat araw ang naturang ospital para sa mga non-infectious na pasyente, mula sa dating 15.

Inilaan naman para sa mga may mga nakakahawang sakit ang isang makina o tatlong sesyon.

“However, more than giving them these services, we want Navoteños to take good care of their health to avoid contracting lifestyle diseases and undergoing treatments,” ayon kay Mayor Tiangco.

BASAHIN  May tensyon pa rin sa transfer ng 14 na paaralan sa Taguig?

Maaaring makapag-avail ang mga miyembro ng Philhealth nang hanggang 156 na libreng hemodialysis session bawat taon. Bago maabot ang limitasyong ito, ang mga pasyenteng Navoteño ay itinatala sa national at local medical assistance programs upang makatulong na mabayaran ang ₱2,600 na halaga ng bawat sesyon.

Ang mga pasyente ay sumasailalim sa dalawa hanggang tatlong dialysis treatment kada linggo.

Taong 2017 nang unang buksan sa publiko ang hemodialysis unit ng NCH.

BASAHIN  “TUBIGGGGG!”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA