33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Imee, dapat imbestigahan — Rep. Bongalon

PINUKOL nang pagbatikos si Sen. Imee Marcos ni Ako Bicol Rep. Jil Bongalon, vice chair, House Committee on Appropriations dahil sa paglilipat umano ng 4Ps pondo noong 2023.

Ayon kay Bongalon, inilipat umano ni Sen. Imee Marcos ang ₱13 bilyong pondo na nakalaan para sa 4Ps o “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” noong nakaraang taon, na dapat sana’y pinakinabangan ng 900,000 na mahihirap na pamilya.

Inilipat umano ng senadora ang pondo sa “Assistance to Individuals in Crisis Situations” (AICS) program at ipinamahagi sa mga kaalyado nito gaya ni Vice President Sara Duterte at sa kanilang napiling beneficiaries.

“If we do the math, P13 billion divided by ₱15,000 per household per year, means 867,000 families or 4.3 million poor individuals got zero cash assistance from the Department of Social Welfare and Development’s 4Ps program last year, thanks to Sen. Imee,” pagdiriin ni Bongalon.

BASAHIN  Ayuda ng DSWD para sa mga taong kalsada, kasado na

Naapektuhan daw ang beneficiaries ng 4Ps noong 2023 dahil sa pag-alis ng ₱13 bilyong badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Mayroon pa raw iba pang paglilipat ng pondo na ginawa ni Marcos, pero hindi pa kumpleto ang datos.

“Sen. Imee takes issue with AKAP or “Ayuda para sa Kapos ang Kita Program” of the House of Representatives which will provide cash grants to our ‘near poor’ kababayans. It’s ironic that she even wants a Senate inquiry into AKAP when she should be the one investigated for depriving the ‘poorest of the poor’ of ₱13 billion last year,” ayon pa kay Bongalon.

BASAHIN  Senado vs. Kamara: Pag-atake vs. Romualdez, niresbakan

Sa 4Ps program ng DSWD, makikinabang ang mga mahihirap na may tatlong anak. Makatatanggap sila ng ₱1,400 na tulong-pinansiyal kada buwan o may kabuuang ₱15,000 kada taon, sa loob ng limang taon.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA