33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Ikatlong global delivery center ng Movate itinayo sa Antipolo City

MAS pinalakas ng Movate  ang kanilang regional service sa pamamagitan ng paglalagay ng delivery center sa Antipolo City .

Layunin nito na maiangat ang skilled local talent na makapaghatid ng high-touch services sa digital customer experience arena. 

Ang Movate  na dating CSS Corp. ay isang digital technology and customer experience (CX) services provider.

Nailunsad na ang ikatlong global delivery center sa bansa at sa pamamagitan ng kanilang expansion  ay mabubuo ang global enterprises sa US at EU regions at maghahatid ng multilingual customer care, revenue acceleration, tech support, at professional services. 

Makikita ang bagong branch sa East Gate Business Center, Antipolo City, na may new state-of-the-art facility at may mahigit 600 seats sa buong 35,000 square feet na lawak ng lugar at bida ang mga smart office floors and conference rooms, modern training labs, at mayroon ding recreational spaces na tulad ng collaboration zones, gym, indoor game rooms, at 24/7 cafeteria. 

Nagsimula ang Movate sa bansa mahigit isang dekada nang nakatayo sa Metro Manila na naglalaan  ng best-in-class digital CX services sa mga global clients.

Taglay nito ang TSD Global, isang nangungunang international provider ng outsourced sales and customer experience services na mayroong mahigit 1,200 empleyado at ngayon ay nasa mahigit  3,000 na ang mga employees sa bansa at may itatayong bagong branch pa na magbibigay ng support sa lumalagong customer base globally. 

BASAHIN  Valenzuela PESO humakot ng multiple awards sa DOLE

Una nang sinabi ni Sunil Mittal, CEO, Movate, na excited sila sa launching ng bagong pasilidad sa Antipolo.

“The Philippines has been a strategic center of high-quality service delivery and growth for us. It has emerged as a top outsourcing hub with its burgeoning tech-savvy talent, exceptional multilingual skills, and good cultural alignment with the western world. Our new facility will strengthen our service capabilities as we structure ourselves for the next frontier of organizational growth and innovation. We are thankful to the government and the local bodies for their unwavering support, and we look forward to continuing the collaboration as we scale our operations in the region,” ayon kay Mittal.

Sinabi naman ni Aaron Fender, Executive Vice President and Chief Delivery Officer for Movate’s Digital CX business, na ang bagong delivery center sa Antipolo City ay panimula ng malaking hakbang forward na pag-angat ng kumpanya.

BASAHIN  Con-con forum, patuloy na isinusulong ni dating anti-corruption czar Greco Belgica

“We are optimistic that it will play a pivotal role in growing our global CX & technology services business. Our sustainable growth trajectory in this region is a testament to the exceptional local talent and the success of our digitally-driven solutions that consistently enhance customer experiences,” ayon naman kay Fender.

Pinasinayanan ang bagong delivery center kasama si Mayor Casimiro Ynares III ng Antipolo, key dignitaries mula sa PEZA at CCAP, mga  industry leaders, government officials, prominent figures at ilang media.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA