Naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang aabot sa 400 mga breeded at imported na panabong na manok na mula sa Amerika.
Dahil ito sa kakulangan ng mga sapat na dokumento para kunin ng mga breeder.
Sa ulat ng pamunuan ng cargo and warehousing company sa NAIA Terminal 1, nagkagulo sa kanilang tanggapan dahil mahigit 40 breeders ang hindi ma-claim ang kanilang mga inorder na panabong manok.
Siniguro naman ng Bureau of Animal Industry (BAI) na ilalabas ang mga manok pagkatapos ng pagproseso.