NANGANGANIB ang produksyon ng bangus at tilapia dahil sa patuloy na epekto ng El NiƱo sa bansa.
Ito ay ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong Peb. 14.
Apektado raw ang mga palaisdaan o land-based aquaculture systems sa matinding pag-init o pagbabago sa panahon.
Nagsaayos na araw ng intervention ang BFAR para matulungan ang mga kababayan nating nabubuhay sa produksyon ng bangus, tilapia, at iba pang freshwater fish, ayon kay Nazario Briguera, head, BFAR information and fisherfolk coordination unit.
Ayon ka Briguera, pinalawak nila ang operasyon ng āmariculture parksā o mga palaisdaan na matatagpuan sa lawa, dagat, at baybaying dagat na kung saan matatagpuan ang fish cages. Dito inaalagaan ang semilya ng isda o fingerlings.
āBecause it is easy for the water level to drop [down] because it is hot, the rate of evaporation is high, so when we put semen in the fishponds, it should be the right amount only so that the fish do not have tight competition for dissolved oxygen,ā dagdag ni Briguera.
Sinabi pa ng BFAR na wala silang natatanggap ng report na may kakulangan sa suplay ng isda bunsod ng epekto ng El NiƱo. Ito raw ay dahil sa teknikal na tulong na patuloy na ipinaabot ng ahensya sa mga nagpapalaki ng mga isda bago pa man sumapit ang El NiƱo.
Magmula 2018, patuloy daw na tumataas ang produksyon ng bangus, tilapia, atbp. sa bansa, dahil dito, nananatiling mababa ang presyo nito sa merkado.