₱50,000 sweldo kada buwan para sa public school teachers!
Ito ang nais ng Makabayan bloc sa isang panukalang batas na naglalayong itaaas sa ₱50,000 bawat buwan ang minimum wage ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Nanguna si ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro kasama sina Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, at Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas sa paghahain ng House Bill (HB) No. 9920.
Ayon sa Makabayan bloc, hindi pa rin sapat ang buwanang sahod ng mga guro para matugunan ang kanilang basic needs, sa kabila ng dagdag sweldo sa ilalim ng “Salary Standardization Law of 2019”.
“Despite the salary adjustment, the monthly pay of even mid-level personnel like public school teachers (Salary Grade 11) remains insufficient to meet the family living wage of ₱1,119 per day or ₱33,570 per month,” ayon sa panukala.
Kumpara sa mga sahod ng pulis at sundalo, napag-iwanan na raw ang mga guro, kaya kailangang nilang humanap ng iba pang mapagkakakitaan.
Kahit na nagkaroon nang kaunting dagdag-sahod ang mga guro, hindi pa rin daw ito sapat para makatugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kasali na ang mga gamot.