MGA barakong pulis, naka-duster sa operasyon!
Ang akala ng iba ay bumigay na ang mga barakong pulis-Mandaue, dahil ilan sa kanila ay may makapal na make-up, colorful tattoo sa braso, at naka-duster habang nasa trabaho, na aprub naman sa kanilang hepe.
Nagpanggap pala sila na beke o bakla para mahuli ang number three most wanted drug pusher sa Central Visayas.
Sa kuha ng video na ipinalabas sa TV5 kahapon, nakikitang nakikipag-transaksyon ang isang seksing “beke” na pulis sa isang lalaking nagbebenta ng droga. Matapos makumpirma na ito nga ang high-value target, agad itong sumensyas at mabilis na nagtakbuhan palapit ang mga kasamang pulis na naka-duster din.
Agad nahuli sa operasyon ang target — si Rogelio Gajudo, 56-anyos, ang drug pusher.
Hindi naman sinabi ni Gajudo kung naseksihan siya at nabanguhan sa makinis na bekeng pulis na katransaksyon niya, kaya siya nawala sa sarili at nahuli.
Namangha ang grupo ng mga “bekeng” pulis nang makuha nila mula sa suspek ang halos isang kilong shabu na may market value na halos isang milyong piso.
Ayon kay Police Colonel Mercy Villaro, spokesperson ng Mandaue Police, “Ang intel natin, nagpanggap bilang isang LGBT para mas convincing during sa actual na operation, dapat consistent sila, kaya nag-wear sila ng mga pambabaeng dress.”
Sinabi pa ni Villaro na nakakapag-dispose si Gajudo ng 200-300 grams per week, kaya malaking ito perhuwisyo sa mga nabibiktima niyang kabataan na lulong sa droga.
Nakakulong ngayon si Gajudo sa Mandaue Police Station, at nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon sa isang netizen, dapat daw magladlad na ang tunay na beking pulis, para magamit sila sa ganitong klase at iba pang sensitibong operasyon.