ISANG consortium sa pangunguna ng San Miguel Corp. (SMC) at Incheon International
Airport Corp. (IIAC) ng South Korea ang nag-alok ng pinakamataas na bid sa rehabilitasyon ng NAIA.
Kasama sa kontrata ang rehabilitasyon, operasyon, at pagmamantine ng NAIA o Ninoy
Aquino International Airport, ayon sa Department of Transportation (DoTr).
Sa tatlong kompanya na kasali sa bidding, nag-alok ang SMC-IIAC ng 82.16% ang
ibibigay sa gobyerno mula sa kikitain ng proyekto.
Sumunod ang GMR Airports Consortium, 33.30% na alok, at Manila International Airport Consortium (MIAC), 25.91%. Hindi sinabi ng DoTr ang eksaktong halaga ng bawat bid.
Binuksan ang bawat proposal ng tatlong kompanya — sa ilalim ng ₱170.6 billion NAIA
Public-Private Partnership (PPP) proyekto — nitong Peb. 8, Huwebes.
Kapartner ng SMC sa consortium ang San Miguel Holdings Corp., RMM Asian Logistics,
Inc., RLW Aviation Development, Inc. at Incheon International Airport Corp.
“Our aim is to elevate NAIA to world-class standard, ensuring an exceptional experience for all travelers with first-rate services and facilities,” ayon kay SMC President and CEO Ramon Ang.