33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

3-anyos nailigtas sa landslide pagkalipas ng 60 oras

ISANG MILAGRO!


Hindi inaasahang ito ang nangyari, matapos mailigtas ng rescuers ang isang 3-anyos na
bata, 60 oras matapos matabunan ng landslide sa isang isla sa timog Mindanao.


Ayon sa Philippine Red Cross (PRC) ang batang babae ay tatlong taong gulang, at kasama sa mga naideklarang 110 mga nawawala sa landslide sa Barangay Masara, Davao de Oro. Umabot na sa 15 ang naideklarang patay sa landsline.


Gamit ang kanilang mga kamay at ilang pala para hanapin ang survivors, hindi makapaniwala ang rescuers na matatagpuan nilang buhay pa rin ang bata, ayon kay
Edward Macapili, isang opisyal ng disaster agency.


Ito raw ay isang milagro, dahil mas maliit daw ang posibilidad na makitang ligtas ang isang bata kaysa adulto. Wala raw anomang pinsala ang bata maliban sa putik sa katawan. Agad siyang dinala sa ospital para ma-check up, matapos makita ng kanyang ama.

BASAHIN  Agricultural Scientists, dapat makipag-partner sa Red Cross


Tumama ang landsline nitong Martes, na tumabon sa ilang bahay pati na tatlong bus at isang jeepney na naghihintay sa mga manggagawa mula sa minahan ng ginto na
nasa lugar.


Ayon sa report ni Van Solinap, team leader ng PRC, umabot na sa 15 ang kumpirmadong patay, 31 ang nasaktan at mahigit 100 pa ang nawawala.


Sinikap ng rescuers na pabilisin ang paghahanap sa mga biktima sa makapal na putikan
dahil sa pag-ulan nitong Biyernes.


Pinasalamatan ni PRC Chair Dick Gordon ang buong rescue team dahil sa pagsisikap nilang maglitas ng buhay. Palagi raw naririyan ang PRC para tumulong at magbigay ng pag-asa sa ating mga kababayan.

BASAHIN  98 Katawan nakuha sa Maco landslide; 23 Aso, 27 na pusa nasagip


Ang lugar ng landslide ay ideneklarang “no build zone” matapos ang naunang landslides noong 2007 at 2008, ayon kay Macapili.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA