33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Duterte, hindi pahuhuling buhay — Roque

IPINAHAYAG ni Harry Roque, dating tagapagsalita ng Palasyo, na nakaaalarma ang ulat
na anoman oras ay mag-iisyu ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pangulong
Rodrigo Duterte.


Pero sinabi niya nitong Peb. 7 na lubhang mahihirapan ang ICC o International
Criminal Court na ipatupad ito dahil sinabi noon ni Duterte na hindi raw siya
pahuhuling buhay.


Dahil 80 anyos na raw si Tatay Digong, lalabanan niya ang anomang pagtatangka na
hulihin siya at usigin sa The Hague dahil sa diumano’y krimen may kaugnayan sa war
on drugs. Sasailalim lang daw si Duterte sa hurisdikson ng lokal ng korte.

Nilinaw ni Police Col. Jean Fajardo, PNP Spokesperson na susundin nila ang pahayag ni
Pangulong Marcos na hindi makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas, partikular
ang PNP na ipatupad ang arrest warrant laban kay Duterte.

BASAHIN  Bawas-pensyon ng MUP, dapat sa mga bago lang – Jinggoy


Idiniin ni Roque na nawalan nang hurisdiksyon ang ICC laban sa diumano’y human
rights violations sa bansa noong panahon ni Duterte, dahil nabigo itong mag-imbestiga
bago mag-withdraw ang Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 17, 2019.


Wala raw obligasyon ang Marcos administration na makipagtulungan sa ICC, ayon sa
mga naunang pahayag ng Pangulo.

BASAHIN  Alden, hindi pupunta sa kasalang Arjo-Maine?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA