33.4 C
Manila
Wednesday, November 27, 2024

Bebot na Executive Assistant huli sa pagnanakaw

INARESTO ng tauhan ng Cainta Municipal Police Station ang isang babae na listed bilang Most Wanted Person (Ranked No. 6 Municipal Level) sa ikinasang Oplan Manhunt Charlie, kamakalawa ng hapon sa Cainta, Rizal.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Rizal Provincial Police Office (RPPO) Director, PCol. Felipe Maraggun, inaresto ang akusado na si alyas Lyn, 26-anyos,  college graduate, executive assistant at residente ng Antipolo City.

Inaresto ang akusado bandang 2:30 kamakalawa ng hapon sa Caltex Gas Station Felix Avenue Brgy San Isidro, Cainta Rizal matapos maispatan ang bebot sa lugar.

Dala ang Warrant of Arrest para sa kasong qualified theft  (8 counts) na inisyu ng RTC, Branch 67, Pasig City na may petsang November 22, 2023 ni Presiding Judge Ira Fritzie C. Cruz-Rojo.

BASAHIN  Davao Dive Expo showcases premier diving destinations

Nagrekomenda ang judge ng ₱198,000.00 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Habang isa pang 2 counts of qualified theft ang nakasampa sa RTC, Branch 153, Pasig City na may petsang October 27, 2023 mula sa sala ni Presiding  Judge Jesusa Lapuz-Gaudiano at may inilaang recommended bail na ₱24,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa Cainta Custodial Facility habang hinihintay ang pagi-isyu ng commitment order.

BASAHIN  Ilang jeep sa Tanay, tuloy pasada sa kabila ng jeepney strike

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA