33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

Kasal nina Bea Alonzo, Dominic Roque, kanselado

WALA ng kasalang magaganap kina Bea Alonzo at Dominic Roque, and it’s probably
final.


Ito ang kinumpirma ni Boy Abunda sa kanyang programang programang “Fast Talk with
Boy Abunda” sa GMA-7 kahapon, Pebrero 6.


Kumpirmadong break na ang aktres na si Bea Alonzo sa long-time boyfriend nitong si
Dominic Roque.


Ayon sa report ng Pep.ph, nakapag-decide na raw ang dalawa na tapusin na ang
kanilang relasyon, pitong buwan matapos mag-propose ng kasal si Dominic kay Bea
noong Hulyo 18, 2023, sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Lungsod Quezon.


Ayon kay Abunda, bagamat nag-usap daw muli ang dalawa pero wala raw katiyakan
kung magkakaayos pa ang mga ito.

BASAHIN  Pelikula ni Bea alonzo, Nilangaw sa US


Dagdag pa niya, “As a matter of fact, from good sources, kagabi or noong isang gabi
lamang ay nag-usap ulit si Bea at saka si Dominic… They’re trying to understand each
other but they’re going through a rough patch.”


Talagang malabo raw kung magkakabalikan pa ang dalawa.

BASAHIN  Mandaluyong LGU nilibre film amusement tax

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA