33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Bagong antenna, pinalawak ang abot ng Globe signal

DROP CALLS? No Signal?


Mawawala na po iyan sa Globe subscribers dahil sa deployment ng futuristic hyper-
gain antenna na magpapalakas sa signal ng 40 percent.


Matutugunan dito ang problema sa “signal gap” lalo na sa malalayo at bulubunduking
lugar.


Ang hitech na Spotlight Vega Antenna ay nilikha ng Comarcom Ltd. at Telkha Network
Inc., antenna specialists. Ito ay nai-deploy kamakailan sa Tagaytay City; Abra de Ilog,
Occidental Mindoro; at San Fernando, La Union, na magpapalakas sa connectivity sa
2G at 4G sa rehiyon, ayon sa Globe.


Mapalalakas daw nito ang signal hanggang 200 percent at pinalawak pa ang naabot ng
cellsite sa 40 percent. Makikinabang dito ang halos 250,000 subscribers.

BASAHIN  Court of Appeals: Copper mining sa South Cotabato pinahihintulutan na


“This innovative technology from our partners will help us fill coverage gaps in our
network and, thus, help us give better service to subscribers,” ayon kay Gerhard Tan,
Globe head of technology strategy and innovation.


Apat na beses daw magiging mas mabilis ang download speed at dalawang beses na
mas mabilis sa upload. Mababawasan pa nang husto ang dropped calls at “black
spots” sa coverage ng network.


“Globe creates opportunities to innovate and implement such creative solutions…
With that, not only do we attain customer satisfaction but also improve our services
and likewise, integrate sustainability into how we operate as a company,” dagdag pa
ni Tan.

BASAHIN  Coke, nabili na ng pamilya Aboitiz sa US$1.8-B

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA