33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Libo-libong residente, nawalan ng kuryente matapos matumba ang 2 poste sa Valenzuela City

Nawalan ng kuryente ang nasa 10,000 residente ng Brgy. Arkong Bato sa Valenzuela City, gayundin ang ilang kalapit na Barangay Palasan at Barangay Santulan sa Malabon City.

Ito’y makaraang bumagsak ang dalawang poste ng Meralco matapos sumabit sa mga kawad ng kuryente ang isang container truck sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Street nitong Huwebes, bandang alas-10:30 ng gabi.

Nabatid na pinagkakabitan din ng kawad ng internet ng PLDT ang dalawang poste, kaya’t magdamag na walang kuryente sa naturang mga lugar.

Naibalik sa normal ang supply ng kuryente bago mag-5:00 nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, higit na naapektuhan nito ang mga negosyante, maging ang mga residenteng hindi makatulog ng walang bentilador.

BASAHIN  Mayor Joy, tutulungan ang siklista na tinutukan ng baril DILG Sec. Abalos: Kasuhan

Mabilis namang kumilos ang mga tauhan ng Meralco at magdamag na inayos ang mga kawad matapos putulin ang supply ng kuryente upang hindi makadisgrasya sa mga tao sa paligid.

Isinara din ang bahagi ng M. H. Del Pilar St. upang maalis ang bumagsak na poste na dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Iginiit naman ni Joe Zaldarriaga, Vice President at Head of Corporate Communication ng Meralco, na hindi umabot sa 10,000 customer nila ang nawalan ng kuryente at humingi na rin sila ng paumanhin at pang-unawa hinggil sa insidente.

BASAHIN  Valenzuela LGU, naglunsad ng ‘People’s Day sa Barangay’ caravan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA