33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

VP Sara mananatili sa gabinete ni PBBM

NANININDIGANG matatag si Vice President Sara Duterte-Carpio sa pasya nitong manatili bilang Kalihim ng Edukasyon sa kabila nang panawagan na magbitiw na ito sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa nangyayaring hidwaan sa pagitan ng kani-kanilang pamilya.

Matatandaan na nitong Linggo lamang sa ginanap na rally kontra People’s Initiative sa Davao City, inakusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Marcos na gumagamit umano ito ng ipinagbabawal na gamot.

Bumuwelta naman ni Marcos na si PRRD umano ay gumagamit ng fentanyl, isang pain killer na may mataas na dosis at nakaka-adik.

Sa nasabing pagtitipon, nanawagan din si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kay Marcos na magbitiw na ito sa puwesto, na ayon naman kay Senador Imee Marocsna naroon din sa nasabing okasyonay humingi umano ito ng despensa sa kaniya karaka-raka pagkatapos ng rally.

BASAHIN  Child Rights Network sumagot sa isyung ‘Dirty Ashtray’ award

“May respeto ako sa mga pananaw at opinyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte pati na ng aking mga kapatid,” pahayag ni Duterte-Carpio.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo: “Ngunit, katulad ng posisyon ko sa maraming mga isyu, hindi kailangan na sumasang-ayon ako sa lahat ng mga ito. Pinalaki ako ng aking mga magulang na may pagpapahalaga sa malayang pag-iisip at pagpapasya.”

“Ang paggalang ay isang natatanging asal na ipinakita ng Pangulo sa ating lahat, kung kaya’t galangin din sana natin ang opinyon at paniniwala ng ibang tao, kasama na ang ating mga kamag-anak,” ayon pa sa kalihim.

Sinabi pa ni Duterte-Carpio na taos-puso siyang nagpapasalamat sa Pangulo na patuloy na nagtitiwala sa kaniyang kakayahan bilang Kalihim ng Edukasyon lalo pa’t kasama sa 8-point socio-economic agenda ni PBBM ang iniharap niyang programa ng kagawaran kamakailan sa Pasay City.

BASAHIN  Cash gift sa may edad na 80, 85, 90, 95

“Nagpapasalamat din ako kay Apo BBM sa kanyang paggalang sa aking mga paninindigan. Para sa akin, laging nangunguna ang katapatan ko sa paglilingkod sa bayan. Uunahin ko ang edukasyon ng ating kabataan at kapayapaan ng bayan,” pagtatapos ni Duterte-Carpio.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA