33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Most wanted ng Antipolo nasakote

NASAKOTE ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation Detection Group Rizal Provincial Field Unit, 22SAC-2SAB PNP Special Action Force, 404th AMC Regional Mobile Force Battalion PRO4A at Antipolo Component City Police Station Tracker Team ang kinikilalang Regional Most Wanted person matapos ang ikinasang manhunt operation, Huwebes  ng madaling araw.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Provincial Director ng Rizal PNP na si Police Col. Felipe Maraggun, nakilala ang akusado sa alyas na “JR”, 48-anyos, residente ng Brgy. San Luis, Antipolo City Rizal.

Si alyas “JR” ay nasakote bandang 6:30 Pebrero 1 ng umaga sa Bloomfields East, Mahabang Parang, Angono, Rizal

BASAHIN  Totoy patay sa dinaluhang B-day

Ayon kay Maraggun, patuloy ang pagsawata sa lahat ng uri ng kriminalidad sa probinsya  ng Rizal katuwang ang komunidad at lokal na pamahalan.

Naaresto si JR sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Presiding Judge Banuar Reuben A. Falcon, Regional Trial Court, Branch 71, Antipolo City na may petsang January 24, 2024 sa kasong Murder at walang piyansang nakalaan para dito.

“Sa mas pinaigting na kampanya laban sa iba’t-ibang uri ng kriminalidad, ang Rizal PNP ay mananatiling masigasig at masikap katuwang ang ibat-ibang sektor ng lipunan at lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong lalawigan,” ayon kay Maraggun.

BASAHIN  3 tulak laglag sa ₱400-K shabu sa San Mateo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA