Nasungkit ng isang mananaya mula sa Rizal ang jackpot prize na ₱56,638,411 sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO).
Masuwerteng nahulaan ng bettor ang winning combinations na 38-20-19-04-16-40.
Nabili ang lotto ticket sa isang outlet sa Candelaria, Froilan P. Lotto outlet sa Pililla.
Wagi naman ng ₱24,000 ang 45 players, habang 2,323 mananaya naman ang nakakuha ng ₱800.
Samantala, nananatiling mailap sa mga mananaya ang ₱82,751,259 sa Ultra Lotto 6/58, gayundin ang ₱27,176,287.80 sa Super Lotto 6/49 matapos walang makakuha ng winning combinations.
Pinapayuhan naman ng PCSO ang mga mananaya na ingatan ang kanilang mga ticket at bumili lamang sa mga authorized lotto outlet.
Related Posts:
Pilipinas, tambakan ng luma, outdated na sasakyan; ₱985-K na electric jeepney
3rd Party sa energy transmission projects, kwestyonable
P20/kilo bigas, hindi pa matutupad – Marcos
Cyber-criminals pinagbabantaan si Lala Sotto
90% korapsyon sa Pasig City winalis na
Dahil sa away sa teritoryo ng Makati-Taguig, 3,000 Estudyante, hindi makapapasok?
Al-ag, hinamon si Baste sa isang debate, drug test
Bawat Pilipino, may utang na P141-K
About Author
Show
comments