33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

UV Express, jeepney 3 buwan pang aarangkada sa kalsada

SA rekomendasyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 3 buwan na ekstensyon ng consolidation ng mga public utility vehicle (PUV) sa ilalim ng PUV Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil, nais pa ng pangulo na bigyang pagkakataon ang mga operator at driver na hindi nakahabol sa konsolidasyon hanggang Abril 30 mula sa orihinal na palugit na nagtapos noong Disyembre 31, 2023.

Sinabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III na susundin nila ang direktiba ng pangulo.

Kasabay nito, nanawagan si Guadiz sa mga tsuper at opereytor na samantalahin na ang pagkakataong ito upang ayusin ang mga kinakailangang requirements para sa nasabing konsolidasyon.

BASAHIN  Biyaheng e-bike, e-trike huhulihin na sa Metro Manila, may multa pa

Layunin ng PUVMP na mapalitan na ang mga lumang jeepney na tumatakbo sa mga kalsada ng bagong mga sasakyang nakaabot sa pamantayan ng Euro-4 na mga makina.

Ito’y upang mabawasan ang polusyon at alisin na sa mga lansangan ang mga sasakyang may kalumaan na at maaaring magsapanganib ng buhay ng mga drayber at mananakay.

Isa sa unang mga hakbang sa programang ito ay ang pagsama-sama ng mga indibiduwal na mga may-ari ng prangkisa at bumuo ng korporasyon o kooperatiba.

Denisenyo ito upang mailipat ang responsibilidad ng isang operator tungo sa isang organisadong grupo ng transportasyon lalo na kapag bibili ito ng mga bagong sasakyan at pangangasiwaan ng isang kooperatiba o korporasyon.

BASAHIN  Mag-utol na fixer sa LTO arestado

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA