Buwis sa pelikula, dapat alisin—Abalos

0

SANA gawing Zero o bawasan ang buwis ng lahat ng mga kumpanyang Pilipino na
gumagawa ng pelikula sa bansa.

Ito ang panawagan ni Sec. Benhur Abalos, Department of the Interior and Local
Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan.

“Baka po pupuwedeng i-zero na natin. Tulong na natin for the next three years para
makabangon naman sila,” hiling ni Abalos kamakailan.

Umaabot sa 30 percent pataas ang amusement tax base sa gross receipts ang sinisingil
mula sa admission fees. Dahil dito, hindi makapanood ng sine ang karaniwang tao
dahil sa mahal na tiket.

Ang panawagan ay hiniling ni Abalos sa mga lokal na pamahalaan matapos ang
pagpupulong sa mga opisyal ng Film Development Council of the Philippines (FDCP),
GMA Films, Regal Films, Viva Films, Quantum Films, at APT Entertainment.

Ayon kay Tirso Cruz III, chair, FDCP, na ang mga pagbabagong hinihiling ng grupo ay
higit na magpapasigla sa film industry sa buong bansa at makaka-engganyo rin ng
dayuhang filmmakers na gumawa ng pelikula dito sa atin.

PInag-usapan din sa pagpupulong ang tulong na hinihingi ng mga ehekutibo ng mga
nabanggit na kompanya para gawing simple ang komplikadong proseso para sa permit
at ang suliranin sa patuloy na pamimirata ng mga pelikula.

Ayon sa research ng Brabo News, maraming pelikula ang ginawa sa Pilipinas,
pangunahin na rito ang blockbuster movie ni Francis Ford Coppola na “Apocalypse
Now”, 1979; “Missing in Action”, 1984; “Platoon”, 1986; at kinalaunan, ang Korean
film “Golden Holiday”, 2020.

About Author

Show comments

Exit mobile version