33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Akusasyon ng pamemeke ng mga dokumento, lomobong halaga ng kontrata ikinasa laban kina Villar, Bonoan

(Ikalawa sa dalawang bahagi)

INIREKLAMO kamakailan sa Office of the Ombudsman ni Dr. John J. Chiong, ng Task
Force Kasanag, isang NGO, sina Public Works Sec. Manuel Bonoan at dating DPWH
Sec. at ngayo’y Senador Mark Villar sa kasong katiwalian at pandarambong.

Ilan sa mga alegasyon laban sa mga bago at dating opisyal ng DPWH o Department of
Public Works and Highways, ay ang paggamit ng “forged documents” o pinekeng
dokumento sa konstruksyon ng Panguil Bay Bridge sa Northern Mindanao.

Sinabi ni Chiong na ang reklamong nai-file niya sa Ombudsman noong Sept. 29, 2023
ay 99 percent na hindi kwestyonable, kaya naniniwala siya na mayroong malakas na
ebidensya laban kina Bonoan at Villar, pati na rin ang 21 iba pang akusado.

“The Office of the Ombudsman needs to take action; they have the authority to
determine who will be imprisoned, regardless of the accused’s position, because there
is solid evidence,” ani Chiong.

Tila raw isang magic—ayon sa mga documentong hawak ni Chiong—dahil sa
paglobo ng presyo ng tulay. Kaya nasa Ombudsman na raw ngayon para kaagad
kumilos sa kaso.

BASAHIN  Azurin out, Acorda in

Sinipi ng Chiong ang lumabas sa mga pahayagan noong Abril 28, 2016 ng ang proyekto
ay may halagang P4.9 bilyon — P4.2 bilyon ang magmumula sa utang, samantalang
ang natitirang P586 milyon ay magmumula sa national budget.

Pero noong Hunyo 4, 2021, lomobo ang halaga ng proyekto sa P7.37 bilyon, ayon sa
pna.gov.ph.

Dapat daw managot si Villar dahil sa panahong iyon, siya ang kalihim ng DPWH, ayon
pa sa complainant.

“With these falsified documents, the Namkwang-Kukdong-Gumgwang Joint Venture
managed to manipulate the process and meet the necessary requirements to bid for
the Panguil Bay Bridge Project, and eventually, the project was awarded to them. This
situation is deeply concerning, as it highlights how a seemingly minor act of deceit can
escalate into a much more serious offense,” bahagi ng reklamo.

Noong Hulyo 26, 2023, sumulat kay Bonoan si Atty. Angel Gatmaitan ng Wing-an
Construction and Dev’t. Corp. na nagsasabing ang (nabanggit na) kontrata ay
kwestionable ang validity at legalidad. Ang paggamit ng pondo ng bayan sa
pagbabayad ng “invalid at legally-flawed contract” ay isa raw kasong malversation.

BASAHIN  Mag-asawang Villar, 60 iba pa kinasuhan dahil sa nawawalang creek sa Parañaque City

Nahaharap daw si Bonoan sa kasong malversation dahil diumano sa pagbabayad sa
Korean contractor kahit na alam niya na ang bahagi ng kontrata ay ginamitan ng
pinekeng dokumento.

Inakusahan din ni Chiong ang ilang opisyal ng DPWH dahil sa diumano, nag-alok ito ng
P100 milyong para ma-dismis ang reklamo.

Bukas ang BRABO News para sa opisyal na sagot nina Bonoan at Villar.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA