33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

700 OFWs sa NZ, humihingi ng tulong

DUMARANAS na raw ng gutom ang mahigit 700 Pilipino na nasa New Zealand matapos
silang nawalan ng trabaho dahil nagsara na ang ELE Group of Companies (ELE-GC), ang
kanilang pinapasukan.


Mga karpintero sa kompanyang ELE-GC ang overseas Filipino workers na nasa
Christchurch, New Zealand.


Noong Disyembre 21, napag-alaman nilang wala na silang trabaho dahil nagsara na
ang kompanya. Hindi nila natanggap ang huling dalawang linggo ng kanilang sahod.


Ayon Gabby Martin, isa sa mga empleyado, “Wala pong abiso. Papasok na po kami
noong umaga, tsaka na po nagsabi sa amin na, ‘Huwag kayong pumasok, may zoom
meeting po tayo sabi nila, ganun lang po.”


Karamihan sa 700 OFWs ay bago pa lamang sa kanilang trabaho at wala pang isang
taon. Kahit na tatlong taon ang kanilang working visa, hindi sila pwedeng basta-basta
lumipat ng trabaho dahil kailangang munang baguhin ang kanilang work permit na
matagal na proseso.

BASAHIN  Erpat ni Ricci rivero, sumali na rin sa isyu vs. Andrea b


Nanghuhuli na lang daw ng isda ang mga Pilipino para may makain dahil wala na silang
panggastos. Mabuti na lang daw, may ilang Pilipino na nagbibigay sa kanila ng
pagkain.


Kahit na nangako umano ang ELE-GC na ibibigay ang kanilang sweldo, malabo pa rin
daw ito dahil hindi naman sinabi ng kompanya kung kalian.

Ayaw daw umuwi ng mga OFWs kahit nahihirapan sila dahil marami pa silang mga
utang na dapat bayaran sa Pilipinas.


Sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa New Zealand na nakapaghatid na sila ng tulong sa
mga Pilipinong nawalan ng trabaho, pero sa rami ng mga hindi nakakapagtrabaho,
kulang daw ito.

BASAHIN  Fingerprint ng mga kriminal, bistado na ng PNP gamit ang makabagong e-Booking system


Positibo ang OFWs na makahahanap sila ng mga bagong trabaho sa tulong ng ating
gobyerno.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA