33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Kaso ni Veloso, bubusisiin muli – Pres. Widodo

NAG-COMMIT kahapon si Indonesian President Joko Widodo na ire-review ang kaso ni
Mary Jane Veloso, ang overseas Filipino worker (OFW) na ngayo’y nasa death row.


Nangyari ito isang araw matapos magmakaawa (sa isang sulat) si Celia Veloso kay
Widodo na palayain at bigyan ng clemency ang anak na OFW dahil wala naman daw
itong kasalanan kaugnay ng drug trafficking.


Ayon kay Secretary Cheloy Garafil, Presidential Communications Office, pumayag
kahapon si Widodo na busisiin ang kaso ni Veloso.


“In fact, the Indonesian government is waiting for the decision of the Philippine court
on the case she filed,” dagdag ni Garafil.

Nahatulan ng bitay si Veloso noong 2010 matapos maaresto sa Indonesia dahil
diumano sa pagpapasok ng 2.6 kilong heroin sa Indonesia na may presyo noon na
US$500,000.


Biktima raw si Veloso ng human trafficking, ayon sa Migrante International, dahil
niloko lang siya na magdala ng bagahe na hindi niya alam na naglalaman ng ilegal na
substance.


Noong 2015 sinuspindi ng korte ang parusang bitay kay Veloso matapos sumuko sa
pulisya si Maria Cristina Sergio na itinurong nagtanim ng droga sa bagahe ni Veloso.

BASAHIN  60 OFWs, 2 bata, nakabalik na mula israel


Nahatulang “guilty” ng korte sa Nueva Ecija ang dalawang illegal recruiters ni Veloso
na nasentensyahan ng habambuhay na pagkabilanggo at may multang P2 milyon.


Ayon sa naunang report ng “Brabo News”, matapos mahuli, hindi binigyan ng korte si
Veloso ng abogado o interpreter nang siya’y imbestigahan sa police station gamit ang
wikang Bahasa Indonesian.


Sa paglilitis, wala ring kasanasan sa mga kasong may death penalty ang abogadong
ibinigay kay Veloso. Pinalala pa ito ng estudyanteng interpreter na tila hindi
kwalipikadong mag-interpret mula Bahasa sa English, dahil inexperienced ito at tila
hindi proficient sa English.


Dahil first-year high school lang ang natapos ni Veloso, mahina siyang umintindi ng
English, kaya hindi naging malinaw ang kanyang mga sagot sa korte.


Sa kasunod na paglilitis, nang tanungin ng trial judge si Veloso — sa wikang Bahasa —
kung nagsisisi siya sa pagdadala ng heroin sa Indonesia, dahil hindi niya naunawaan
ang tanong, at may pressure na agad niya itong sagutin, sinabi ni Veloso na “NO”. Ito
marahil ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit siya’y hinatulan ng bitay.

BASAHIN  ‘Tahanang Pinakamasaya,’ hindi na masaya; 130 kawani mawawalan ng trabaho


Ayon sa mga kaanak ni Veloso, sana raw ay mabigyan nang hustisya si Mary Jane dahil
hindi naging malinaw ang proseso nang paglilitis sa kanya.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA