33.4 C
Manila
Thursday, November 21, 2024

Clemency para sa OFW na nasa death row sa Indonesia, hiniling

HINILING ng ina ng Mary Jane Veloso, 39-anyos — na nahatulan na kamatayan sa
Indonesia — kay Indonesian President Joko Widodo ang pagpapalaya sa kanyang anak
dahil ito raw ay inosente.


Bahagi ng kanyang liham na ipinadala kahapon kay Widodo: “Kagalang-galang na
Pangulong Widodo, ako po si Celia Veloso. Ina ni Mary Jane Veloso, nagmamakaawa at
nakikiusap na sana tulungan po ninyong malakaya ang aking anak.”


Nasa bansa simula ngayong Miyerkules si Widodo para sa isang bilateral meeting kay
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong palakasin ang ugnayan ng dalawang
bansa.

Matatandaan na noong 2010 ay hinatulan ng bitay si Mary Jane matapos mahuling
nagpasok ng heroin sa Indonesia. Nabigyan siya ng temporary reprieve noong 2015.

Samantala, noong Enero 2020, nahatulan ng Nueva Ecija court na “guilty” sa kasong
“large-scale illegal recruitment” sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao, recruiters ni
Mary Jane kaya nahatulan sila ng habambuhay na pagkakakulong at multang P2
milyon.


Ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, kasabay ng opisyal na
pagbisita ni Widodo, susubukan nilang mareresolba ang isyu para mabigyan ng
clemency si Mary Jane.

BASAHIN  Angel locsin, Missing in action?


Ayon sa “Brabo News” research, matapos mahuli si Veloso noong Abril 25, 2010, dinala
siya sa police station at tinanong sa wikang Bahasa Indonesian, isang wika na hindi niya
nauunawaan. Hindi binigyan si Veloso ng interpreter o abogado.


Sa mga pagdinig sa kanyang kaso, siya ay binigyan ng isang lokal na abogado na walang
karanasan sa mga kasong may parusang kamatayan. Ang kanyang interpreter na
ibinigay ng korte ay isa lamang walang-karanasang estudyante na nagsalin mula Bahasa
sa English, na malamang hindi bihasa sa English.


Dahil medyo hindi raw marunong sa English si Veloso (first-year high school lang ang
natapos niya), hindi niya gaanong maipaliwanag ang kanyang panig. Hindi lumitaw sa
paglilitis na niloko lamang siya ng illegal recruiter para magdala kontrabadong hindi niya
alam, na nadisskubring naglalaman ng 2.6 kilong heroin na may halagang US$500,000
noon.


Sa kasunod na paglilitis, nang tanungin ng trial judge si Veloso — sa wikang Bahasa —
kung nagsisisi siya sa pagdadala ng heroin sa Indonesia, dahil hindi niya naunawaas ang
tanong, at may pressure na agad niya itong sagutin, sinabi ni Velos na “NO”. Ito marahil
ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit siya hinatulan ng bitay.

BASAHIN  2 bettor maghahati sa ₱121-M jackpot sa Mega Lotto


Ayon sa isang legal researcher, dapat noon pang 2010, kumuha na ng isang mahusay na
Indonesian lawyer pati na consultant na Filipino trial lawyer ang Department of Foreign
Affairs, para mapatunayan na inosente si Veloso at nagkaroon ng mistrial dahil sa
wikang English at karadalasa’y Bahasa na ginamit sa mga pagdinig sa korte.”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA