“ANG karagatan natin sa West Philippine Sea ay sinasakop na nga ng China, pati ba
naman mga kalsada natin ay papayag tayong sasakupin na rin nila?”
Ito ang reaksyon ni Senador Raffy Tulfo nitong Lunes, matapos boldyakin ang plano ng
gobyerno na mag-import ng mga mini-bus sa China bilang kapalit ng tradisyunal
jeepneys.
Tila raw may umaalingasaw na amoy ng korapsyon dito, ani Tulfo.
Dahil dito, mariing kinuwestiyon ni Tulfo ang pagkakasali ng Chinese companies sa
PUV modernization program ng bansa, taliwas sa economic policy ng Marcos
Administration na Pilipino muna.
Marami raw mga lokal na kumpanya ang kayang mag-manufactrure ng modern
jeepneys sa mas mababang presyo at makapagbubukas pa ito ng mga bagong trabaho.
Ayon sa ulat na natanggap ni Tulfo, umabot daw mula sa ₱2.6 – ₱2.9 milyon ang bawat
yunit ng imported Chinese mini-bus, na higit na mas mataas kaysa brand-new, lokal na
jeepneys.
Ang Sarao pati na rin Francisco Motors Corporation ay kayang mag-manufacturer ng
mas mahusay na kalidad na Filipino jeepney na may preyong ₱900,000 – ₱985,000
lamang bawat yunit, at pasado rin sa standard ng gobyerno.
Makatitipid daw ang mga operator ng ₱1.7 milyon kung local, modern jeepney ang
bibilhin.
“If the cost of the jeepney to be purchased is around ₱900,000, the government will
be able to afford the subsidies to implement the modernization at no cost to the
jeepney drivers and operators,” saad ng senador.
“Buying from the local manufacturer, which is expected to create thousands of
jeepneys, would translate to thousands of jobs for Filipino workers, not to mention
that it could also preserve the style and design of jeepneys which are already part of
Filipino culture,” dagdag pa niya.
Idiniin ni Tulfo na dapat bigyan nang prayoridad ng DOTr ang kapakanan ng jeepney
drivers [operators, at local manufacturers], hindi ang China, sa PUV modernization
program.