33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

TAPE, talo na, bayad pa ng ₱3-M danyos; prangkisa ng ABS-CBN, ibabalik na?

MALAYO pa raw ang Holy Week, pero tila nagsisimula na raw ang kalbaryo ng mga
Jalosjos, Inc., ayon sa isang fan ng TVJ.

Ito ay dahil sa bukod sa natalo sa trademark na “Eat Bulaga” laban kina Tito, Vic and
Joey, pinatawan din ng korte ang Television and Production Exponents Inc. (TAPE) ng
P3 milyong danyos dahil sa patuloy na paggamit ng trademark sa iniwang noontime
show nina TVJ, ang “Eat Bulaga” sa GMA-7.

Base sa report ng “Bilyonaryo News”, nilinaw ng korte na TAPE lamang ang
pinagbabayad ng danyos at hindi kasali ang GMA. Naobliga lamang ang GMA na
tumupad sa airtime agreement nito sa TAPE simula pa noong 2019 kaya pinayagan
nilang gamitin ang naturang trademark.

Ayon sa naging desisyon ni Judge Romeo Dizon Tagra ng Marikina Regional Trial Court
(RTC) nitong Disyembre 22, pinagbabayad ang TAPE ng ₱2 milyon para sa temperate
damages (o mas mababa kaysa hinihingi ng complainant), ₱500,000 sa exemplary
damages, at ₱500,000 para sa attorney’s fees sa kampo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at
Joey de Leon.

BASAHIN  49th MMFF Best actor, balik-teatro

Sa pamamagitan ng “permanent injunction”, pinagbawalan ng korte ang TAPE at GMA
na gumamit ng “Eat Bulaga” trademark, pati na rin jingle, promotions at lahat ng
recorded episodes ng ”Eat Bulaga” bago pa noong Mayo 31, 2023.

Sa wakas, ginamit na rin sa TV-5 nina TVJ ang “Eat Bulaga” na ikinasiya ng fans sa
studio at maging sa mga bahay na nanonood sa TV.

Agad namang tumalima ang TAPE at nagsimulang gamitin ang “Tahanang Pinakamasaya” sa halip ang “Eat Bulaga” sa kanilang programa sa GMA-7.

Samantala, may bali-balita na ibabalik daw ang prangkisa ng ABS-CBN sa taong ito.
Babayaran na raw ba ng network ang bilyones na tax deficiency nito sa gobyerno?
Paano raw ba mangyayari ito eh ang frequency ng ABS-CBN ay naibigay na sa Advance
Media Broadcasting System ng mga Villar?

BASAHIN  Oyo, Kristine, inaasahan ang ika-6 na anak

Abangan ang susunod na kabanata!

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA