33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

PUV modernization, dapat tugma sa bulsa ng operators – Tolentino

“Kailangan ng modernization na tutugma sa bulsa ng mga tsuper at operators,” ito ang
pahayag ni Senador Francis Tolentino sa kanyang radio program sa MBC-DZRH
kamakailan.


Hiniling ni Tolentino ang mabilisang resolusyon sa mga isyung kinapapalooban ng
Public Uility Vehicles (PUV) Modernization program dahil labis na apektado ang
jeepney drivers at operators, lalo na ang mga mananakay.


Ani Tolentino, “Kailangan na harapin ang isyu na ito, bagama’t nasa Supreme Court,
kailangang marinig ng taumbayan– di naman kasi lahat ng ating mga tsuper ay
makakadalo sa Supreme Court hearing, kung ano talaga ang mga solusyon dito sa
problemang ito.”

Binanggit ng senador ang mga hinaing ng jeepney drivers at operators bago pa
sumapit ang Disyembre 31, 2023 na deadline ng consolidation.


Ayon sa isang observer, tila raw yata mas pinapaboran ng Department of
Transportation (DOTr) ang mga manufacturer ng imported na mini bus, kaysa locally-
made modern jeepney. Dapat daw imbestigahan ng senado ang mga isyu tungkol
dito.

BASAHIN  Martin Diño, 66, pumanaw na


Kinausap din ng senador sa kanyang program si Elmer Francisco, may-ari ng Francisco
Motors Corporation, na linawin ang posibleng opsyon ng drivers at operators na
nagnanais na sumali sa PUV modernization program.


Sinabi ni Francisco, na ang modernized, full-electric jeepney ay P985,000 lamang at
nakapasa ito sa Philippine National Standards, mas mataas ang bubong at may ligtas
na entry and exit, lalo na sa PWDs.


Bukod pa rito, air-conditioned daw ang bawat yunit ay may four-channel CCTV
cameras, dashcam, at automated na rin ang pagbabayad ng pasahe.


“Magagaling talaga ang mga Pinoy gumawa ng tunay na jeepney, bakit natin
ipagagawa sa ibang bansa? Kumbaga tayo na ang nag-imbento ng jeepney,” ani
Francisco.

BASAHIN  Dahil sa Laguna jeepney accident, kailangan talaga ang PUVM—LTO


Dapat daw linawin ang lahat ng opsyon sa Senado para matuldukan na ang problema
sa PUV modernization program, pagtatapos ng senador.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA