Nagbabala ang Democracy Watch sa Commission on Elections kaugnay sa posibleng election failure sa 2025 midterm polls sakaling i-award ang electronic voting system contract sa south korean firm na Miru Systems Co. Ltd.
Iginiit ng election watchdog na batay sa performance ng Miru sa ibang bansa na nagsagawa ng automated elections, nagkaroon ng failure of elections sa tatlong halalan, dahil sa isyu ng voting machines.
Maliban dito, inulan din ng alegasyon ng dayaan ang naturang mga halalan, gayundin ang pagbulusok ng voter confidence dahil sa recount ng ballot at paulit-ulit na pagboto.
Taliwas naman ito sa nangyaring Presidential Election noong nakalipas na taon sa bansa, na nagkaroon lamang ng kaunting “glitches” na kaagad ring natugunan.
Wala ring nakitang ebidensiya ng pandaraya ang independent third-party observers sa 2022 national elections.
Samantala, ang Democracy Watch ay isa sa opisyal na observer ng poll body para sa 2025 midterm elections