DOT, nakapagtala ng mahigit 5-M international tourist arrivals

0

Nalampasan ng Department of Tourism ang target nitong 4.8 million international tourist arrivals para sa taong 2023.

Ito’y matapos maitala ng ahensya ang 5,450,557 international visitor arrivals mula January 1 hanggang December 31, 2023.

Sa nasabing bilang, 91.80% ay mga dayuhan habang ang 8.20% naman ang overseas Filipinos.

Ibinida pa ng DOT na aabot sa ₱480 billion ang nalikom  mula sa international tourism receipts.

About Author

Show comments

Exit mobile version